NASA ‘ROW FOUR’ OBLIGADONG MAG-SUMMER REMEDIAL CLASSES

MANDATORY na sa mga estudyante na may pinakamababang reading comprehension levels ang summer remedial classes, ayon sa Department of Education (DepEd). Ang mga estudyante kasi na may reading comprehension levels ay ipinapasa na lamang kahit hindi pa natutugunan ang kinakailangang kagalingan o kakayahan sa pag-aaral. Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara, na ginagamit na ngayon ng departamento ang Beginning of School Year (BOSY) at End of School Year (EOSY) assessments para idetermina ang ‘learning gaps.’ Iyong mga may pinakamababang iskor ay kinakailangan ngayon na makiisa sa isang ‘remediation program’ pagdating…

Read More

TALAMAK NA STD SA POGO WORKERS NAKABABAHALA

LUBHANG nababahala ang pamunuan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa talamak na kaso ng sexually transmitted diseases sa hanay ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers. Ayon sa ahensya, nakababahala ang umano’y pagpositibo ng maraming mga dayuhang manggagawa ng POGO sa iba’t ibang sexually transmitted disease. Ito ay sa gitna ng ulat ng health department na patuloy ang paglobo ng human immunodeficiency virus cases sa Pilipinas. Sinasabing halos araw-araw ay may naitatalang HIV cases ang kagawaran. Ayon kay PAOCC executive director Gilbert Cruz, umabot na sa 66 na naarestong…

Read More

SEGURIDAD NG BALIK-ESKWELA TINIYAK NG EPD

TINIYAK ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ang kaayusan at seguridad hindi lamang ng mga mag-aaral kundi ganoon din ng mga guro at mga magulang sa pasukan ngayong Hunyo 16, 2025. Sa inilabas na anunsyo ni EPD District Director PBGen. Aden Lagradante, sinabi nito na may kabuuang 535 pulis ang ipinakalat nila sa mga lungsod ng Pasig, Marikina, Mandaluyong at San Juan. Ayon kay Lagradante, pangunahing tututukan ng mga operatiba, hindi lamang ang seguridad sa mga paaralan kundi gayundin ang pangangasiwa sa maayos na daloy ng trapiko. Sinabi pa…

Read More

PAGPA-INHIBIT SA PRO-DUTERTE SENATOR-JUDGES PINAGPAPLANUHAN

HINDI isinasantabi ng Prosecution team ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipa-inhibit ang mga senator-judge na hayagang sumusuporta kay Vice President Sara Duterte lalo na kapag tumawid ang impeachment trial sa 20th Congress. Sa panayam kay Oriental Mindoro Rep. Arnan Panaligan, na isa sa 11 prosecutors ng Kamara sa impeachment trial laban kay Duterte, sa ngayon ay hindi pa pinag-uusapan ng mga ito ang pagpapa-inhibit sa mga pro-Duterte Senator-Judges. “Siguro sa 20th Congress na ‘yan pag-uusapan. ‘Yan ay isa sa pag-aaralan ng prosecution panel kung ano ang magiging hakbang,” ani…

Read More

Ngayong balik-eskwela HIGIT 45K SCHOOLS BANTAY-SARADO NG PNP

MAGTATALAGA ang Philippine National Police (PNP) ng 37,750 pulis sa ilalim ng Oplan Balik-Eskwela 2025–2026,sa buong bansa bilang bahagi ng ligtas na pagbubukas ng klase ngayong Lunes, Hunyo 16, 2025. Ayon sa PNP, babantayan ng mga pulis ang nasa 45,974 na kabuuang paaralan kabilang dito ang 38,292 na public schools at 7,682 na private schools. Magkakaroon din ng 5,079 na mga police assistance desk na pangangasiwaan ng 10,759 pulis, habang 10,687 ang magsasagawa ng mobile patrols kasama pa ang 16,366 na foot patrols. Sa datos ng Pulisya, pinakamalaking deployment ng…

Read More

90 SEA PASSENGERS NAILIGTAS NG PHILIPPINE NAVY

NASAGIP ng Philippine Navy sa ilalim ng Western Mindanao Command, ang 90 pasahero ng sinaklolohang isang passenger motor launch malapit sa Languyan sa lalawigan ng Tawi-tawi noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Q. Ezpeleta, nirespondehan ng mga tauhan ng BRP General Mariano Alvarez (PS176) ang 90 kataong sakay ng bangkang de-motor na M/L Len-Lyn na nagkaaberya sa laot sakop ng bayan ng Languyan. Ayon kay Capt. Hilarion Cecista, acting commander ng Western Mindanao Naval…

Read More

P6.8-M SHABU NASABAT SA MALL PARKING LOT

CAVITE – Mahigit sa P6 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat sa dalawang arestadong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng isang mall sa Bacoor City noong Sabado ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 in relation to Sec. 26 par. (b) (Attempt/Conspiracy to Sell Dangerous Drug) ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang arestadong mga suspek na sina alyas “Khalil”, 30, isang magsasaka, at “Jamal”, 19, pawang mga residente ng Quezon City.…

Read More

LIBRENG KAPON AT LIGATE PROGRAM SA MGA HAYOP

MAAGANG dumating ang mga fur parents kasama ang kanilang mga alagang hayop upang makinabang sa Libreng Kapon at Ligate Program ng Villar Foundation. Ang programang ito, na pinangungunahan ni Senadora Cynthia Villar, ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Veterinary Medical Association, Philippine Veterinary Drug and Nutrition Association, Pets Love Nature, at mga beterinaryo mula sa Parañaque. Magkakaloob din ng libreng anti-rabies vaccine para sa isandaang (100) alagang hayop mula sa Las Piñas at mga kalapit na lugar ng Bacoor sa Cavite. (DANNY BACOLOD) 15

Read More

IKATLONG “UNMODIFIED OPINION” MULA SA COA NAKUHA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG QUEZON

SA ikatlong sunod na taon, muling ipinamalas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, sa pamumuno ni Quezon Governor Doktora Helen Tan, ang isang malinis at tapat na serbisyo matapos itong makatanggap ng ‘Unmodified Opinion’ mula sa Commission on Audit (COA) para sa taong 2024. Ang ‘Unmodified Opinion’, na kilala rin bilang ‘Unqualified Opinion’, ay isang uri ng audit opinion na maaaring ipagkaloob ng COA sa isang ahensyang walang natukoy na iregularidad, anomalya sa pananalapi, o kakulangan sa iniulat na pondo. Ipinahihiwatig nito na ang isinumiteng financial statements ay tama, kumpleto, at…

Read More