BISTADOR ni RUDY SIM IKINAGULAT ng mga empleyado ng Bureau of Immigration ang desisyon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla na alisin ang Chairman ng BI-Board of Special Inquiry na si Atty. Gilberto Repizo nitong kahapon June 19 sa pamamagitan ng Department Order number 435. Nag-ugat ang hindi pagkakaintidihan ng dalawang mataas na opisyal ng BBI noong May 2 nang pumasok at nakialam umano si Commissioner Joel Anthony Viado sa meeting ng bids and awards committee patungkol sa higit 2 bilyong pisong E-Gates project ng gobyerno na ilalagay…
Read MoreDay: June 21, 2025
MARAMING PERSONALIDAD SA LIKOD NG PAGPATAY SA MGA SABUNGERO – DOJ
KINUMPIRMA ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maraming personalidad ang nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabungero ng Laguna at Bulacan. Ayon sa kalihim, hindi bababa sa 10 na mga pangalan ang nabanggit sa kanya ni alyas Totoy at ilan sa mga ito ay kilalang personalidad. Si alyas Totoy ang isa sa mga akusado sa krimen at lumantad na whistleblower sa pagkawala ng mga sabungero. Ayon pa sa kalihim, ang mahalaga sa ngayon desidido si alyas Totoy na ilabas ang kanyang mga nalalaman. Alam na rin…
Read MoreOPISYAL NG BI SINIBAK SA PWESTO
INALIS na sa pwesto si Atty. Gilbert Repizo, ang chairman ng Board Special Inquiry ng Bureau of Immigration (BI) dahil umano sa rami ng mga reklamo sa pamumuno nito. Nauna nang nabanggit ang pangalan ni Repizo sa isyu ng umano’y pamimilit sa Bids and Awards Committee na aprubahan ang P3-bilyong e-gates project sa mga paliparan. Sa kabila ng kautusan, sinabi ni Repizo sa kanyang social media post na magpapatuloy siya sa pagre-report sa BSI. Sumulat din siya kay Justice Secretary Crispin Remulla kung saan in-invoke naman nito ang kaparehong Civil…
Read More2 KASO NG MPOX NAITALA SA BULACAN
BULACAN – Dalawang kaso ng Mpox ang kumpirmadong naitala sa Lungsod ng San Jose Del Monte, na sa kasalukuyan ay fully recovered na, ayon sa City Health Office. Ito ang kinumpirma ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kung saan ang nabanggit na mga kaso ay naitalang nakakuha ng Clade II strain o ang hindi gaanong malubhang uri ng nasabing virus. Ayon sa health authorities, walang kaugnayan sa isa’t isa ang dalawang kaso at ang lahat ng nakilalang close contacts ay nanatiling walang sintomas at nakatapos na ng isolation protocols bilang pag-iingat.…
Read MoreSUSPEK NA PUMATAY SA NAGLALARO NG BINGO, ARESTADO
BATANGAS – Nadakip ng mga awtoridad ang suspek na rumatrat at tomodas sa isang lalaking naglalaro ng bingo sa Talisay, Batangas, matapos itong matukoy sa pamamagitan ng CCTV footage. Batay sa imbestigasyon ng Talisay Police, inupahan umano ang suspek upang paslangin ang biktimang si “Gerald”, 36-taong gulang. Nahaharap ang suspek sa kasong murder ngunit itinanggi niya ang paratang. Samantala, kinumpirma ng pamilya ng biktima ang pagkakakilanlan ng suspek at nanawagan dito na isiwalat ang utak sa likod ng krimen. Ayon sa Talisay Police, kalalabas lang ng suspek matapos itong magpiyansa…
Read MoreBAGONG REGIONAL DIRECTOR NG CALABARZON ITINALAGA
ITINALAGA bilang bagong Regional Director ng PRO 4-A si PB Gen. Jack Wanky na pinalitan si Outgoing RD PB Gen. Paul Kenneth T. Lucas. Isinagawa ang seremonya sa Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna na pinangunahan ni PB Gen. Melencio Nartatez Jr., ang turnover command ceremony, bilang Presiding Officer. Ayon na kay Incoming RD Wanky, tutukan niya na maipatupad ang quick response program ng PNP chief upang makuha ang tiwala ng mamamayan. Rerebyuhin din niya ang mga estratehiya kung bakit naging Top Performing Regional Office ang CALABAZON sa implementasyon sa anti-criminality…
Read MorePIO BINARIL NG PINAGALITANG SECURITY ESCORT, PATAY
PINAGBABARIL ang 40-anyos na Public Information Office officer ng mismong security escort niya sa Zamboanga Del Sur, nitong Huwebes ng gabi. Nakilala ang biktima na si Jeesrel Himang, residente ng Barangay Kawit, Pagadian City. Ayon kay PRO-9 spokesperson PMaj. Shellamie Chang, nag-inuman ang biktima at kanyang security escort na si Reymond Antifuelo Lopeciillo sa isang beach resort sa Barangay Ambulon, Vincenzo Sagun. Dito na umano napagalitan ng biktima ang suspek dahil hindi agad napaandar ang sasakyan. Nagtungo muna ang biktima sa banyo at pagbalik ay doon na sya pinagbabaril ng…
Read MoreBGEN. PEÑONES JR., WALA PANG 24 ORAS BILANG OIC NG PRO-6, NI-REASSIGN SA PRO-2
WALA pang 24-oras matapos italaga bilang OIC ng PRO-6 si PBGen. Ponce Rogelio Peñones Jr., nitong Huwebes, ay inilipat ito bilang OIC ng PRO-2. Papalitan sana ni Peñones si PBGen. Janky Wanky epektibo Hunyo 19, 2025. Sa ngayon ay magiging acting director ng PRO-6 si BGen. Josefino Ligan, na mula sa PRO-1. Habang si PBGen. Wanky, naman ay itinalagang director ng CALABARZON o PRO-4A. Papalitan naman ni Wanky si PBGen. Paul Kenneth Lucas, na acting deputy Regional Director for Administration ng NCRPO. (TOTO NABAJA) 13
Read MoreP204-M SHABU NATUKLASAN SA INABANDONANG MALETA
CAVITE – Bumulaga sa mga awtoridad ang mahigit P204 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa loob ng isang inabandonang malaking maleta sa isang bakanteng lote sa bayan ng Naic sa nasabing lalawigan nitong Biyernes ng madaling araw. Ayon sa ulat, bandang alas-2:10 ng madaling araw, ipinagbigay-alam ni Jeferson Pausal y Paigao, 26, security guard, sa nagpapatrulyang mga operatiba na sina Pat. Ronald Ian Benter at Pat. Honald De Jesus ng Naic Police Station, ang natagpuang isang inabandonang malaking maleta sa Friendship Road, Brgy. Sabang, Naic, Cavite. Nang buksan ang maleta,…
Read More