HALOS DOBLENG PONDO NG KAMARA KINUWESTYON

KINUWESTYON ng ilang grupo at personalidad ang biglaang pagtaas ng pondo ng mababang kapulungan ng Kongreso gayung wala namang bagong distrito na nalikha o mambabatas na idinagdag. Marami ang nagulat nang mabunyag na ang budget ng House of Representatives sa 2025 General Appropriations Act ay umakyat sa ₱33.670 bilyon mula sa dating ₱16.345 bilyon na nakasaad sa National Expenditure Program —tumalon ito ng ₱17.325 bilyon—kahit pa nabawasan ang pondo para sa batayang serbisyo gaya ng edukasyon, kalusugan, at agrikultura. Tanong nila, bakit lumobo ang budget ng Kamara sa ilalim ng…

Read More

Bumagsak na Sta. Maria Bridge: Netizens, nanawagan ng resulta ng Imbestigasyon

Mahigit apat na buwan matapos ang pagbagsak ng Sta. Maria Bridge sa Cabagan, Isabela, nananatiling walang inilalabas na opisyal na resulta ng imbestigasyon mula sa Department of Public Works and Highways o sa Senado. Dahil dito, nanawagan ang publiko at mga netizens ng malinaw na pananagutan mula sa mga sangkot sa proyekto. Noong Pebrero 27, 2025, bumigay ang bahagi ng Sta. Maria Bridge habang tinatawid ng isang overloaded na dump truck na may bigat na humigit sa 100 tonelada, higit pa sa pinapayagang 44 tonelada. Anim ang nasugatan sa insidente. Matapos…

Read More