NAGLAAN ang gobyerno ng Estados Unidos ng P3 billion (USD 60 million) na foreign assistance sa Pilipinas, itinuturing na unang anunsyo sa alinmang bansa mula nang itigil ng Estados Unidos ang karamihan sa foreign aid commitments nito noong Enero. Sa katunayan, tiniyak ng US Embassy sa Maynila na ang pagpopondo, idinaan sa US Department of State, ay susuporta sa mga programa sa enerhiya, maritime security, at paglago ng ekonomiya sa Pilipinas. Ang aid announcement ay ginawa matapos ang pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US Secretary…
Read MoreMonth: July 2025
LACSON PINATULAN ‘SUNTUKAN’ NINA BASTE, TORRE
HANDA si Senador Panfilo Lacson na gastusin ang kanyang isang buwang pensyon bilang retired 4-star police general upang ipambili ng ticket sakaling matuloy ang boxing match sa pagitan nina PNP Chief General Nicolas Torre at Davao City Vice Mayor Baste Duterte. Hindi pa naman desidido si Lacson kung personal siyang manonood sa Torre-Baste Duterte fight, subalit dahil ang kikitain dito ay sinasabing ibibigay sa mga biktima ng baha kaya handa siyang bumili ng mga ticket. Sinabi ng dating hepe ng PNP na bagamat masasabing hindi appropriate o karapat-dapat na pinatulan…
Read MoreMGA KAALYADO NI VP SARA ‘KUMAMPI’ KAY ROMUALDEZ
MISTULANG wala nang balakid na muling maging Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez dahil maging ang mga kaalyado ni Vice President Sara Duterte ay sumuporta sa kanyang Speakership bid. Sa zoom press conference kahapon, sinabi ni Iloilo Rep. Janette Garin na umaabot na sa 291 congressmen ang lumagda para suportahan ang Speakership ni Romualdez hanggang noong Miyerkoles. Ayon sa mambabatas, kabilang sa 291 na ito sina dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na kilalang kaalyado ni Duterte, Davao Occidental Rep. Claude…
Read MoreKrimen binidyo ng salarin DATING REPORTER PATAY SA PANANAGA
DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang dating broadsheet reporter matapos pagtatagain ng kanyang kainuman nitong Miyerkoles ng umaga sa Rodriguez, Rizal. Nakilala ang biktima na si Norberto “Bert” Javier, 68-anyos, tanod ng Brgy. San Rafael sa nasabing bayan at dating reporter ng Manila Bulletin. Sa ulat, dakong alas-04:40 ng umaga habang natutulog ang biktima sa tindahan sa Sitio Wawa sa nasabing barangay ay inatake ito ng suspek na si Victor Enavia, 33-anyos at pinagtataga. Nagawa pang maisugod ang biktima sa Ynares Hospital sa Rodriguez subalit idineklarang dead on arrival ni…
Read More3 PATAY, 2 SUGATAN SA AMBUSH SA CAGAYAN
CAGAYAN – Dead on the spot ang tatlong kalalakihan habang dalawa ang nasa malubhang kalagayan matapos tambangan ng armadong kalalakihan sa Barangay Naddungan, sa bayan Gattaran sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat na ibinahagi ng Cagayan PNP, bandang alas-10:00 ng umaga, pinaulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang sinasakyang van ng mga biktima. Patay sa pamamaril ang magkapatid at isang hindi pa kinilalang lalaki habang itinakbo naman sa pinakamalapit na pagamutan ang dalawa pang sugatan. Sa inisyal na pagsisiyasat, lulan ang mga biktima ng…
Read MoreLALAKI TIMBOG SA 15 ARREST WARRANTS SA CAVITE
CAVITE – Sumugod pa ang mga operatiba ng Magallanes Municipal Police Station (MPS) sa Dilasag, Aurora, Quezon upang arestuhin ang isang wanted person na may 15 outstanding warrants of arrest sa kasong theft at robbery, noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang Magallanes MPS hinggil sa kinaroroonan ng suspek na si alyas “Mark” kaya agad na tumulak ang mga ito sa Aurora, Quezon at nakipag-ugnayan sa Warrant Section ng Aurora MPS na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya sa Sitio Madalipay, Brgy. Dimaseset, Dilasag, Aurora bandang alas-10:10…
Read MoreNag-away sa Facebook post: TITSER PATAY SA SAKSAK NI MISTER
RIZAL – Nalagutan ng hininga ang isang 34-anyos na guro makaraang saksakin ng kanyang mister habang mainitang nagtatalo dahil sa isang Facebook post. Kinilala ang biktimang si Mary Ann Manzanillo, residente ng Proper 3, Brgy. Mascap, Rodriguez, Rizal. Ayon sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-7:10 ng umaga noong Miyerkoles habang nag-aalmusal ang mag-asawa sa kanilang bahay. Nagsimula umano ang kaguluhan nang magkasagutan ang mag-asawa dahil sa isang Facebook post. Hindi naman nabanggit sa ulat ng pulisya kung tungkol saan ang sinasabing Facebook post na pinagtalunan ng mag-asawa.…
Read MoreQCPD AGAD RUMESPONDE SA PAGGUHO NG LUPA SA BRGY. BAGONG SILANGAN
MABILIS na nagresponde ang Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni PCol. Randy Glenn Silvio, Deputy District Director for Administration and Officer-in-Charge, sa napaulat na landslide incident sa kahabaan ng Don Vicente St., sa harap ng Lamb Gate, Filinvest II, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City nitong Huwebes ng umaga. Sinabi sa ulat ng QCPD, nangyari ang pagguho ng lupa dakong alas-6:20 ng umaga, sanhi ng natumbang mga puno ng kawayan na pansamantalang humarang sa isang bahagi ng Don Vicente Street. Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng Payatas Bagong…
Read MoreHiling ng dating spokesman ng MILF sa Korte Suprema MULING PAGPAPALIBAN SA BPE IDEKLARANG UNCONSTITUTIONAL
HINILING ni Mustapha “Eid” Kabalu, dating tagapagsalita ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), sa Korte Suprema na ideklarang labag sa Konstitusyon ang Republic Act 12123, ang batas na muling nagpaliban sa Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) sa Oktubre 2025. Ayon kay Kabalu, nilabag ng RA 12123 ang Konstitusyon sa apat na dahilan: Una, walang isinagawang plebesito sa kabila ng malalim na pagbabago sa orihinal na Bangsamoro Organic Law (RA 11054); Pangalawa, nilabag din nito ang mandato ng sabayang halalan para sa lahat ng lokal at pambansang posisyon; Gayundin, mapaiiksi nito ang…
Read More