50K UNIFORMED RESPONDERS IKINASA SA PAGHAGUPIT NG TD DANTE, EMONG

NASA 50,000 uniformed personnel ang ikinasa ng pamahalaan para sa posibleng magiging epekto ng magkasunod na paparating na Bagyong Dante at Emong na inaasahang mananalasa sa Pilipinas na hindi pa nakababangon sa epekto ng Tropical Storm Crising at Southwest monsoon o Habagat na sumira ng multi-bilyong halaga ng imprastraktura at mahigit sa P300 milyong halaga ang nawasak na pananim at agrikultura. “In terms of damages, meron pa tayong P4 billion worth of infrastructure damages as reported. Pero this is still subject for validation ng ating mga ahensya. And for agriculture…

Read More

SIMBAHAN BUKAS PARA SA MGA SINALANTA NG BAGYO, BAHA

BINUKSAN na rin ang mga Simbahan o parokya para sa mga nasalanta ng bagyong Crising at Habagat. Ayon kay Fr. Wilmer Samillano, Sch.P, kura paroko ng Holy Family Parish sa Gulod Novaliches, Quezon City, laging bukas ang simbahan at walang pinipiling relihiyon, walang pinipiling lahi dahil ito ay para sa lahat. Hindi aniya pinag-uusapan ang pagkakaiba lalo na sa panahon ng kalamidad. Binigyang-diin din ng pari na hindi pinag-uusapan ang pananampalataya, kultura at pagkakaiba ng tao sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan. Noong Lunes, malaking bahagi ng Metro Manila ang…

Read More

LTO NAGTALAGA NG MGA TAUHAN PARA TUMULONG SA APEKTADO NG KALAMIDAD

UPANG matiyak ang kaligtasan ng mga motorista, nagtalaga ang Land Transportation Office (LTO) ng sapat na bilang ng mga tauhan upang tumulong sa gitna ng malawakang pagbaha at iba pang isyu sa kaligtasan sa kalsada sa mga lugar na binaha at apektado ng kalamidad. Ang kautusan ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na tiyakin ang presensya ng pambansang pamahalaan para sa maximum na tulong sa lahat ng mamamayang apektado ng masamang epekto ng malakas na pag-ulan sa nakaraang mga araw. Sinabi ni Acting Assistant Secretary…

Read More

Para makaiwas sa baha DAGDAG SEWAGE TREATMENT PLANT HILING NG MANILA LGU

NANAWAGAN ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng maraming sewage treatment plant o STP mula sa national government. Sa kanyang pag-iikot upang tingnan ang sitwasyon sa binahang mga lugar sa Maynila, iginiit ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang pangangailangan ng mas maraming STP bilang pangmatagalang solusyon sa pagbaha sa lungsod. Aniya, kailangang dagdagan ang kapasidad ng lungsod na linisin at ilabas ang tubig-ulan sa pamamagitan ng wastong sewer system dahil hindi sapat ang lingguhang declogging. Sinabi si Domagoso, bagama’t mayroon nang mga STP sa Roxas Boulevard, hindi pa rin ito sapat…

Read More

DOJ UMATRAS SA APELA VS DE LIMA

WALA nang balak pa ang Department of Justice (DOJ) na ipursige ang mosyon ng mga piskal sa Muntinlupa RTC Branch 204 na humihiling na baliktarin ang pagkaabsuwelto ni ML party-list Rep. Leila de Lima sa isa sa tatlong kasong may kinalaman sa ilegal na droga. Sa isang video na ipinost sa Facebook page, ibinahagi ni Secretary Jesus Crispin Remulla ang plano hinggil sa hakbang ng mga piskal na humawak sa kaso ni De Lima. “I actually talked to the Prosecutor General this morning and told him to stop the foolishness…

Read More

BASTE, TORRE BOXING MATCH SA BIG DOME

KUMASA si PNP chief General Nicolas Torre III sa hamon na suntukan ni Davao City Acting Mayor Baste Duterte. Sa ambush interview sa Kampo Crame nitong Miyerkoles ng hapon, sinabi ng hepe ng Pambansang Pulisya na kung maaari ay ganapin sa Araneta Coliseum sa Linggo ang kanilang ‘boxing match’. Tamang-tama aniya dahil maraming nangangailangan ng tulong na mga kababayan na sinalanta ng bagyo. Ani Torre, isang “12 round charity boxing match” ang gusto niya at dapat bawat round ay may sponsor para malaki ang kitain na mapupunta naman sa mga…

Read More

DIGNITY IN COMMUTING ACT NI PANGILINAN SUPORTADO NG COMMUTERS GROUP

UPANG pangalagaan ang karapatan ng commuters, nagpahayag ng suporta ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) para sa panukalang Dignity in Commuting Act na isasampang muli ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa Senado. Sinabi ng grupong LCSP, ang progresibo at kinakailangang batas na ito ay pinagtitibay ang mga pangunahing karapatan ng bawat Pilipinong commuter na maglakbay nang ligtas, maginhawa, at may dignidad, at nagbibigay ng konkretong balangkas upang matugunan ang malalim na pinag-ugatan ng mga problema sa ating sistema ng pampublikong transportasyon. Sa press statement, sinabi ni Atty. Albert…

Read More

PAGPAPANAGOT SA MGA DATING OPISYALES NG GOBYERNO MISYON NG QUADCOM 2.0

PAPANAGUTIN ang mga opisyal ng gobyerno na nasangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), Extra-judicial killings (EJK) at ilegal na droga noong nakaraang administrasyon ang misyon ng pagbuhay sa Quad Committee sa 20th Congress. Bukod dito, iginiit ng isa sa tinaguriang Young Guns na si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na kailangan ituloy ang nasimulang imbestigasyon noong nakaraang Kongreso upang marinig ang boses ng mga nais patahimikin ng pananakot at pulitika. “We need Quad Comm 2.0 because the fight for truth is not yet over. The people deserve…

Read More

CAINTA ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

RIZAL – Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Cainta matapos maranasan ng mga residente ang malawakang pagbaha sa halos lahat ng pangunahing mga kalsada at lugar sa nasabing bayan. “Sinabihan ko ang Local Disaster and Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) at ang Sangguniang Bayan na agad na magpulong upang ihanda ang Declaration of a State of Calamity for the Municipality of Cainta,” ang pahayag ni Nieto. Inaasahan na anoman ang mapagpasyahan sa nasabing deklarasyon ay agad na ipatutupad at ihahatid ang kinakailangang mga tulong sa apektadong…

Read More