NAKATAKDANG iproklama ng Commission on Elections (Comelec) si Gabriela Party-list 1st nominee Sarah Elago bilang 64th winning party-list representative. Ito ay bilang kapalit ng Duterte Youth Party-list na diniskwalipika ng Comelec. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ito ay pagsunod sa constitutional requirement na ang party-list representatives ay dapat nakakuha ng 20 percent ng membership sa Mababang Kapulungan. Sinabi ni Garcia, kasunod ng kanilang pagsusuri, ang 63 party-list seats na ipinroklama sa 2025 elections ay kumakatawan lamang ng 19 percent ng House of Representatives. Habang ang 64-seat party-list allocation ay…
Read MoreDay: September 14, 2025
TENSYON SA 10-ORAS NA SUNOG SA TONDO
MALAKING sunog ang sumiklab sa Happyland area ng Barangay 105, Tondo, Manila noong Sabado ng gabi na umabot sa ikaanim na alarma kaya nangailangan ng deployment ng 16 firetrucks, ayon sa ulat ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO). Ang nasabing insidente ay nakaapekto sa Helping Compound building na halos sampung oras bago nakontrol dakong alas-3 ng madaling araw nitong Lunes, ngunit walang iniulat na casualties. Naberipika ang sunog dakong alas-8:29 ng gabi at itinaas ang unang alarma dakong alas-8:30 ng gabi. Mabilis na lumaki ang sunog, na…
Read MoreMas malakihang pagkilos asahan SUNOD-SUNOD NA RALLY VS KORUPSYON KASADO
TINIYAK ng mga militanteng grupo na hindi titigil ang kanilang mga pagkilos hangga’t hindi napapanagot ang mga sangkot sa katiwalian sa pondo ng pamahalaan. Sinimulan noong Biyernes ang tinaguriang Black Friday protest kung saan nagsama-sama ang iba’t ibang grupo hindi lamang mga militante, kasama ang mga estudyante. Nanindigan ang mga militanteng grupo na hindi sila titigil sa mga kilos protesta. Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Renee Co at dating ACT Party-list Rep. France Castro, tuloy-tuloy ang kanilang mga pagkilos hanggang may mga opisyal na managot sa katiwalian. “Hindi po titigil…
Read MoreNPA PATAY, 2 HULI SA TANGKANG AMBUSH SA ARMY 81D
SAMAR – Patay ang isang kasapi ng communist New People’s Army habang dalawa pang kasamahan ng rebeldeng grupo ang nadakip sa madugong hot pursuit operation nang tangkain nilang tambangan ang mga sundalo ng Philippine Army 8th Infantry Division sa lalawigan. Ayon ulat na ipinarating sa tanggapan ni Army commanding general, Lt. Gen. Antonio Nafarrete, ni Major General Adonis Ariel G. Orio PA, commander ng 8th Infantry Division, tatlong beses nilang nakasagupa ang nalalabing mga kasapi ng CPP-NPA Special Operations Group (SOG), Yakal Platoon, Sub-Regional Committee (SRC) Browser, Eastern Visayas Regional…
Read More2 PEDESTRIANS NABUNDOL NG DELIVERY DRIVER, 1 PATAY
CAVITE – Patay ang isang pedestrian habang sugatan ang kasama nito nang nabundol ng Lalamove driver habang tumatawid ang mga ito sa kalsada sa bayan ng Carmona sa lalawigan noong Linggo ng madaling araw. Isinugod sa Pagamutang Bayan ng Carmona ang mga pedestrian na sina alyas “Rob”, at “Ali”, kapwa tubong Quezon at residente ng Brgy. Bancal, Carmona City, at “France”, Lalamove driver at nagmamaneho ng isang Yamaha Fazzio ng Brgy. Timalan, Naic, Cavite, subalit idineklarang dead on arrival si Ali. Ayon sa ulat, bandang ala-1:30 kahapon ng madaling araw…
Read MoreHindi magpapadala sa sulsol DND AT AFP MANANATILING TAPAT SA KONSTITUSYON
HINDI papatulan ng Defense Department at Armed Forces of the Philippine ang panghihikayat ng ilang sektor na ‘withdrawal of support’ sa Marcos administration sa gitna ng lumalakas na sigaw kontra bilyon-bilyong korupsyon sa flood control projects. Ayon sa Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines, mananatiling isang propesyunal na organisasyon ang Hukbong Sandatahan, mananatiling non-partisan at pangangalagaan ang Konstitusyon sa ilalim ng Marcos Jr. administration. Sa inilabas na joint statement, inihayag nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., na…
Read MoreSolons sa ICI: ‘CULTURE OF IMPUNITY’ SA INFRA PROJECTS TAPUSIN
KAILANGANG maging agresibo ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na itinatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa imbestigasyon at pagpapanagot sa lahat ng sangkot sa katiwalian sa flood control at iba pang infrastructure projects ng gobyerno upang maibalik ang tiwala ng taumbayan. Ito ang panawagan ni House Minority Leader Marcelino Libanan matapos pangalanan ng Malacañang ang dalawang kasapi ng ICI: Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson at SGV & Co. Country Managing Partner Rossana Fajardo. Kasama rin si Baguio City Rep. Benjamin Magalong, ngunit hindi…
Read MoreREAL STEEL HUMILING NG AGARANG PREVENTIVE SUSPENSION VS MAYOR PUNSALAN
NAGHAIN ng Extreme Urgent Motion ang Real Steel Corporation sa Office of the Ombudsman noong Setyembre 8, 2025 para agad na suspendihin sa puwesto si San Simon, Pampanga Mayor Abundio “JP” Simbulan Punsalan, Jr. dahil sa umano’y mabigat na ebidensiya ng grave misconduct at seryosong katiwalian. Ang mosyon ay isinampa ilang araw matapos ipag-utos ng Regional Trial Court ng Muntinlupa City, Branch 206, ang pagpapalaya kay Punsalan noong Setyembre 2, 2025, kasunod ng pagkakaaresto sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation noong Agosto 5, 2025.…
Read MoreTULFO: MGA CASINO NAGBULAG-BULAGAN SA BILYONG PAGSUSUGAL NG DPWH OFFICIALS
NANINIWALA si Senate Committee on Games and Amusement Chairman Sen. Erwin Tulfo na nagbulag-bulagan ang ilang casino at hinayaan lang na isugal ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st Engineering District ang bilyong pisong pera ng bayan. “Wag nilang sabihin na hindi nila alam na mga taga-gobyerno itong mga opisyal ng DPWH dahil gumamit lang sila ng fake ID,” giit ni Tulfo sa isang panayam. “Akala ko ba mahigpit nilang ipinapatupad yung know your client o KYC policy nila?” Tinukoy ni Tulfo sina dating…
Read More