GABRIELA IPOPROKLAMA KAPALIT NG DUTERTE YOUTH

NAKATAKDANG iproklama ng Commission on Elections (Comelec) si Gabriela Party-list 1st nominee Sarah Elago bilang 64th winning party-list representative.

Ito ay bilang kapalit ng Duterte Youth Party-list na diniskwalipika ng Comelec.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ito ay pagsunod sa constitutional requirement na ang party-list representatives ay dapat nakakuha ng 20 percent ng membership sa Mababang Kapulungan.

Sinabi ni Garcia, kasunod ng kanilang pagsusuri, ang 63 party-list seats na ipinroklama sa 2025 elections ay kumakatawan lamang ng 19 percent ng House of Representatives.

Habang ang 64-seat party-list allocation ay 20.4 percent ng House membership, sinabi ni Garcia na mas mabuting maging sobra para masiyahan ang kondisyon ng Konstitusyon.

Sinabi ni Garcia, ang Comelec en banc ang magdedesisyon sa usapin sa Miyerkoles at inaasahang gagawin ang anunsyo sa parehong araw.

Inaasahang mapoproklama ang 64th party-list representative sa Huwebes.

(JOCELYN DOMENDEN)

214

Related posts

Leave a Comment