MAY apat umanong infrastructure projects si dating Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo sa kanyang distrito katuwang ang mga kumpanyang pagmamay-ari ng kontrobersyal na mga kontraktor na sina Sarah at Curlee Discaya. Batay sa mga rekord, ang mga proyekto ay iginawad sa mga kompanyang konektado sa Discaya, kabilang ang Great Pacific Builders and General Contractor Inc., JMLR Construction and Supply, St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp., VPR General Contractor and Construction Supply Inc., at Alpha and Omega General Contractor and Development Corp. Pinangunahan ng Great Pacific Builders…
Read MoreDay: September 23, 2025
Plano ng mga nag-riot MALACAÑANG SUNUGIN!
ISINIWALAT ni Interior Secretary Jonvic Remulla na may ulat silang natanggap bago ang gulo sa anti-corruption protest nitong Linggo na plano umano ng ilang rioters na sunugin ang Malacañang. Lumabas ang rebelasyon matapos maaresto ang ilang nanggulong indibidwal sa Ayala Bridge at Mendiola habang nananawagan ang mga raliyista ng pananagutan sa mga maanomalyang flood-control projects. Ayon kay Remulla, mismong ilang menor de edad na na-interview ang nagsabing target daw nilang sunugin ang Palasyo. “We cannot take that at face value… kailangan pang dumaan sa proseso ng DSWD,” ani ng Kalihim.…
Read MorePBBM PWEDENG IMBESTIGAHAN SA DONASYON NG KONTRAKTOR
HANDA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na imbestigahan kaugnay ng umano’y milyong pisong donasyon mula sa mga kontratista noong 2022 presidential elections. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, walang dapat pigilan sa Commission on Elections (Comelec) para gawin ang trabaho nito. “The President is willing to be investigated. Let the Comelec do its job, investigate,” ani Castro. Base sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), nakatanggap ng malalaking campaign contributions sina Marcos at Vice President Sara Duterte mula sa mga kontratistang ngayon…
Read MoreINFRACOM TINIKLOP SA ISYU NG KREDIBILIDAD
MISMONG si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang nagsabing wala nang kredibilidad ang Infra Committee na nag-iimbestiga sa anomalya sa flood control projects kaya ipinatiklop na niya ang imbestigasyon. “Hindi naman pinaniniwalaan ng karamihan ng ating kababayan kung ano ang nangyayari sa Infra Comm na ito,” ani Dy sa ambush interview kahapon. Ang komite, na binuo ng House committees on public accounts, good government and public accountability, at public works, ay nilikha para siyasatin ang flood control projects batay sa resolusyong inaprubahan ng Kamara. Dalawang hearing na ang isinagawa…
Read More95 pulis nasaktan, mahigit 200 inaresto IMBESTIGASYON SA KARAHASAN SA ANTI-CORRUPTION RALLY PATULOY
INIHAYAG ng Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring karahasan sa isinagawang anti-corruption rally na ikinasugat ng 95 pulis partikular sa hanay ng Civil Disturbance Management. Ayon sa PNP, inaalam nila kung sino ang nagpasimuno sa kaguluhan at sino ang nasa likod ng paghahasik ng karahasan sa isinagawang “Trillion peso march sa EDSA” at “Baha sa Luneta” kontra korupsyon rally. Sinasabing humigit kumulang sa 95 miyembro ng pulisya ang nasaktan sa kasagsagan ng kaguluhan sa gitna ng anti-corruption protest…
Read More129 PULIS SUGATAN, 113 KATAO HINULI SA MANILA CHAOS
INARESTO ng Manila Police District (MPD) ang 113 katao sa naganap na magulong protesta nitong Linggo sa iba’t ibang bahagi ng Maynila. Ayon kay MPD Spokesperson Police Major Philipp Ines, nakasuot ng itim at nakatakip ang mukha ng mga sumingit at nanggulo sa rally. Sa mga dinampot, 65 ay nasa hustong gulang habang 48 ang menor de edad na agad na dinala sa Manila Social Welfare Department. Patong-patong na kaso ang kahaharapin nila kabilang ang illegal public assembly, resistance and disobedience, assault, malicious mischief, serious physical injuries, at arson. Nasa…
Read More