P180-M PROYEKTO NI STELLA QUIMBO SA MGA KUMPANYA NG DISCAYAS LUMUTANG

MAY apat umanong infrastructure projects si dating Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo sa kanyang distrito katuwang ang mga kumpanyang pagmamay-ari ng kontrobersyal na mga kontraktor na sina Sarah at Curlee Discaya.

Batay sa mga rekord, ang mga proyekto ay iginawad sa mga kompanyang konektado sa Discaya, kabilang ang Great Pacific Builders and General Contractor Inc., JMLR Construction and Supply, St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp., VPR General Contractor and Construction Supply Inc., at Alpha and Omega General Contractor and Development Corp.

Pinangunahan ng Great Pacific Builders ang konstruksyon ng box culvert sa Rainbow Street (P41,878,276.31) at Zenaida Subdivision (P35,355,782.73), kapwa matatagpuan sa Brgy. Concepcion Dos.

Inendorso rin ni Quimbo ang pagpapatayo ng slope protection sa kahabaan ng Balanti Creek sa Katipunan Extension (P56,741,661.01) at pagpapaganda ng Balanti Creek (P46,353,618.68).

Ang mga proyektong may kabuuang halaga na ₱180 milyon ay pinondohan noong 2022 at 2023, sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang vice chairperson ng House Committee on Appropriations.

Nagsilbi si Quimbo bilang kinatawan ng 2nd District ng Marikina mula 2019 hanggang 2025. Tumakbo siya bilang alkalde noong 2025 ngunit natalo.

Bilang vice chairperson ng Committee on Appropriations, nagkaroon siya ng mahalagang papel sa pagbabalangkas ng pambansang badyet para sa 2025 at kalaunan ay humalili bilang chairperson ng komite matapos ang pagbibitiw ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co.

Kasama rin siya sa small committee na tumanggap ng mga insertion mula sa mga mambabatas sa proseso ng budget. (EG)

107

Related posts

Leave a Comment