P3.6-M SHABU AT ECSTASY HULI SA BIG TIME PUSHER

DAVAO CITY – Isang bigtime drug pusher at high value target drug personality ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang anti-narcotics operation sa Purok 10-B, Lower Madapo, Barangay 8-A, Davao City. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, noong Biyernes ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Regional Special Enforcement Team/Davao City Office of the Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 11, katuwang ang Police Precinct 2, laban sa isang alyas “Bryan”, 21-anyos. Tinatayang nasa…

Read More

7,000 PULIS DINEPLOY SA SEARCH AND RESCUE

HABANG tinatahak ng Severe Tropical Storm “Opong” (international name: Bualoi) ang direksyon palabas ng Philippine area of responsibility patungong Vietnam, ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) ang deployment ng mahigit sa 7,000 pulis para magsagawa ng rescue and relief operations sa buong bansa habang maraming Pilipino ang nawalan ng tirahan sa pananalasa ng bagyo. Ayon kay PNP Acting chief, Lt. General Melencio Nartatez, may 7,349 police officers ang nagsasagawa ng search, rescue, at retrieval (SRR) missions, habang may 11,118 pa ang naka-antabay sakaling kailanganin pa ang dagdag na puwersa bunsod…

Read More

‘HILAW’ NA AKAP DAPAT LANG HINDI PONDOHAN

Senador Sherwin Gatchalian

TAMA lamang para kay Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian na hindi na pondohan ang mga hilaw na programa gaya ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Nangako si Gatchalian na haharangin ang anomang pagtatangka na pondohan ang programang AKAP. “Ang gusto natin ay mga programang pinag-aralan nang mabuti, may feasibility study, para alam natin ang tiyak na magiging epekto,” pahayag ni Gatchalian. Ibinahagi rin niya ang datos na nagpapakita na mas marami ang benepisyaryo ng AKAP sa mga lugar na mababa ang poverty incidence, habang mas…

Read More

LIFESTYLE CHECK ILALARGA SA LAHAT NG GOV’T OFFICIALS

IPALALABAS na sa susunod na linggo ang memorandum kaugnay ng lifestyle check sa ilang opisyal ng gobyerno. “Most probably po magkakaroon po tayo ng memorandum, hintayin lamang po natin by next week,” pahayag ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing, bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isailalim sa lifestyle check ang lahat ng opisyal ng gobyerno. Nang tanungin kung sinu-sinong opisyal ang saklaw, sagot ni Castro: “Hintayin po muna natin sa ahensiya na kaniyang pag-uutusan.” Matatandaang ipinag-utos ni…

Read More

PING: HALOS LAHAT NG SENADOR SUMAWSAW SA P100-B INSERTIONS

IBINUNYAG ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na umabot sa mahigit P100 bilyon ang insertions ng halos lahat ng senador sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA). Ayon kay Lacson, natuklasan ito sa mga dokumentong nakalap na naglalaman ng mga indibidwal na insertions na naka-tag na “For Later Release (FLR).” “Pagkalalaki. Never pa ako nakakita kasi noong araw, bago pa ma-declare unconstitutional ang PDAF, nasa hundreds of millions lang. E ngayon, kabuuan at least P100 billion,” pahayag ni Lacson. Giit niya, hihimayin niya ito sa budget hearings…

Read More

P8.8-M ILLEGAL DRUGS, NASABAT NG CUSTOMS

boc droga

TINATAYANG umabot sa P8.8 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga ahente ng Bureau of Customs sa unclaimed parcels. Ayon kay Custom Commissioner Ariel Nepomuceno, kaugnay sa direktibang ibinaba ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang border protection at paigtingin ang anti-drug campaign ng pamahalaan, nasabat ng Aduana ang tatlong unclaimed parcels na naglalaman ng hinihinalang illegal drugs na nagkakahalaga ng P8,839,600.00 sa Ninoy Aquino Airports. Ayon sa ulat, nagsagawa ng interdiction operation ang BOC-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency…

Read More

DEFENSOR: NAG-NOTARYO NG AFFIDAVIT NI GUTEZA POSIBLENG NA-PRESSURE

Rep Mike Defensor-2

NANINIWALA si dating congressman Mike Defensor na posibleng tinakot si Atty. Petchie Rose Espera kaya itinanggi nito na siya ang nag-notaryo sa affidavit ni dating Master Sgt. Orly Guteza, na direktang nagdadawit kina Ako Bicol Rep. Zaldy Co at dating House Speaker Martin Romualdez sa maanomalyang flood control projects. “Puwede siyang tinakot. Pwede siyang sinabihan na sabihin mo hindi totoo ‘yan,” ani Defensor sa isang radio interview matapos itanggi ni Espera na siya ang nag-notaryo sa affidavit. Ayon sa dating kongresista, ang pagtanggi ni Espera ay posibleng paraan lang para…

Read More

Atty. Rodriguez sa Senado RESPETO, KORTESIYA DAPAT SA PILIPINO HINDI KAY ZALDY CO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINANATAN ni Atty. Vic Rodriguez ang Senado matapos nitong tumangging ipatawag si Cong. Zaldy Co sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee kaugnay ng maanomalyang flood control projects, kahit pa marami na ang nagturo rito na sangkot. Sa kanyang Facebook post, pinuna ng dating Executive Secretary at kumandidatong senador noong May 2025 elections na mas nangingibabaw daw sa Senado ang pagbibigay ng kortesiya sa kapwa mambabatas kaysa pagrespeto sa mga Pilipinong biktima ng korapsyon. “Trilyong piso na ang ninanakaw ng mga politiko, pero binibigyan pa rin sila…

Read More

Madaling bawiin – Diokno YAMAN NG MGA TIWALI LANTAD SA SOCIAL MEDIA

MADALI umanong mabawi ang yaman ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno, kabilang ang mga taga-Department of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot sa flood control projects, kapag hindi nila mapatunayan na legal ang pinagmulan ng kanilang karangyaan. Ito ang pahayag ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno sa gitna ng mainit na imbestigasyon sa flood control scam na kinasasangkutan ng ilang DPWH officials. Paliwanag ni Diokno, may kapangyarihan ang Office of the Solicitor General na magsampa ng civil case for forfeiture sa ilalim ng Republic Act 1379 kung saan may…

Read More