PING: HALOS LAHAT NG SENADOR SUMAWSAW SA P100-B INSERTIONS

IBINUNYAG ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na umabot sa mahigit P100 bilyon ang insertions ng halos lahat ng senador sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).

Ayon kay Lacson, natuklasan ito sa mga dokumentong nakalap na naglalaman ng mga indibidwal na insertions na naka-tag na “For Later Release (FLR).”

“Pagkalalaki. Never pa ako nakakita kasi noong araw, bago pa ma-declare unconstitutional ang PDAF, nasa hundreds of millions lang. E ngayon, kabuuan at least P100 billion,” pahayag ni Lacson.

Giit niya, hihimayin niya ito sa budget hearings at tatanungin ang mga ahensya kung bakit pinayagan ang ganoong kalaking insertions.

Binalaan din ng beteranong senador na bagama’t hindi agad ilegal ang insertions, nagiging kwestyonable kapag umaabot ng P5 bilyon hanggang P9 bilyon bawat isa.

Babala pa niya, banta ito sa ekonomiya dahil ang mga pondong naantala o nailihis ay dapat sana’y mapunta sa mga imprastraktura na napagplanuhan at sinuri mula barangay hanggang regional level.

Nanawagan si Lacson sa mga kapwa mambabatas na magpakita ng self-restraint at huwag abusuhin ang insertions, lalo na sa mga proyekto ng DPWH, DepEd, at DOTr, at tigilan na rin ang paggamit ng “leadership fund” na nagbibigay puwang para sa mga solon na magpasok ng proyekto sa National Expenditure Program (NEP).

(DANG SAMSON-GARCIA)

181

Related posts

Leave a Comment