IBA’T IBANG AHENSYA PINAGKOKOMENTO NG SC SA WRIT OF KALIKASAN PETITION NG MGA ABOGADO, ENVIRONMENTALIST

PINAGKOKOMENTO ng Korte Suprema sa loob ng 10 araw ang mga ahensya na inirereklamo sa writ of kalikasan petition na inihain ng ilang environmental groups noong Setyembre. Sa utos ng SC, inatasan ang mga respondent na magsumite ng kani-kanilang verified return o pormal na sagot sa petisyon. Kabilang sa mga pinadalhan ng kautusan ang Office of the President, Senado sa pangunguna ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, dating House Speaker Martin Romualdez para sa Kamara, Department of Budget and Management (DBM), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department…

Read More

DIZON, ILANG APPOINTEES SA DPWH MAY KONEKSYON SA CONTRACTORS?

ISINIWALAT ni Batangas Rep. Leandro Leviste Legarda na posibleng may koneksyon si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at ilan sa kanyang appointees sa mga kontraktor ng mga proyekto ng ahensya. Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Legarda na galing mismo sa kanyang mga kapwa kongresista ang impormasyon, kasabay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa flood control anomalies kung saan maraming mambabatas ang nadadamay. “I heard that Secretary Dizon and his team have connections with contractors. In the interest of transparency, they should disclose all of…

Read More

3% PINOY LANG HINDI NANINIWALANG TALAMAK NAKAWAN SA GOBYERNO – SURVEY

TANGING 3% ng mga Pilipino ang hindi naniniwalang malaganap ang korupsyon sa gobyerno, ayon sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, habang 59% naman ang nagsabing “normal” na bahagi na ito ng pulitika sa bansa. Batay sa survey na isinagawa noong Setyembre 27–30, lumabas na 97% ng mga Pilipino ang naniniwalang talamak ang korapsyon — 78% dito ay nagsabing “napaka-malaganap,” habang 20% naman ang nagsabing “somewhat widespread.” Lumabas din sa pag-aaral na 85% ng mga respondents ang nakapansin ng paglala ng korapsyon sa nakalipas na taon. Pagdating sa mga imbestigasyon sa…

Read More

Isinauli ng DILG: PNP MAY P500 MILLION INSERTIONS SA 2025 BUDGET

ISINAULI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang umano’y ₱500 milyon “insertion” sa intelligence funds ng Philippine National Police (PNP) para sa 2025, matapos igiit ni Secretary Jonvic Remulla na hindi naman nila ito hiniling. Sa 2026 DILG budget briefing kahapon, lumutang ang isyu nang tanungin ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance, kung bakit nabawasan ng ₱500 milyon ang intelligence fund ng ahensya—mula ₱1.3 bilyon noong 2025 ay naging ₱800 milyon na lang sa 2026. Ayon kay Remulla, natuklasan nilang ang naturang pondo…

Read More

Usap-usapan sa social media DOH SEC HERBOSA NA-‘HULI CAM’

KUMALAT sa social media ang video clip na naglalarawan na na-‘huli cam’ si Department of Health Secretary (DOH) Ted Herbosa ng isang television network nang inspeksiyunin nito ang isang Super Health Center (SHC) sa Marikina City. Narinig sa live interview ng isang TV network si Herbosa na nagsalita ng “At least tayo ang nag-expose. It’s better na tayo nag-expose kaysa tayo ma-expose. Bahala na sila magpaliwanag.” Ang pahayag ni Herbosa ay ukol sa SHC ng Concepcion Dos na tinawag niyang non-operational. Subalit sinabi ng lokal na pamahalaan na nagpasya itong…

Read More

DEPED PINURI SA PAGLULUNSAD NG EDUKASYON TUNGKOL SA WPS

PINURI ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng apat na makabayang organisasyon, ang plano ng Department of Education (DepEd) na isama sa kurikulum ng mga mag-aaral ang aralin hinggil sa West Philippine Sea (WPS), at tinawag itong “matalino at makabayang hakbang para palakasin ang kamalayang pambansa.” Ayon kay Goitia, ang pagtuturo tungkol sa WPS sa mga silid-aralan ay mahalaga upang mapalakas ang depensa ng bansa laban sa disimpormasyon at panlabas na banta. “Hindi mo maipagtatanggol ang isang bagay na hindi mo alam,” pahayag ni Goitia. “Kapag itinuro natin sa…

Read More

Magalong, iminungkahing ipatawag si Quimbo ng ICI para sa P300M kwestyonableng MAIP fund

MANILA– Iminungkahi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ipatawag ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) si dating Marikina Representative Stella Quimbo upang magpaliwanag kaugnay ng umano’y P300 milyong pondong inilaan sa kanya mula sa Medical Assistance for Indigents Program (MAIP) ng Department of Health (DOH). Sa isang panayam, inamin ni Magalong na ikinagulat niya ang isang dokumentong nagpapakita na may malaking halagang inilaan kay Quimbo, dahilan upang kuwestyunin niya ang patas na pamamahagi ng MAIP funds. “Isa sa mga dapat nilang imbitahan d’yan ay si former Cong. Stella Quimbo.…

Read More

TRUST RATING NINA MARCOS, DUTERTE SUMADSAD – SURVEY

KAPWA bumagsak ang trust rating ng dating magka-Uniteam na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte nitong Setyembre, sa gitna ng lumalakas na public awareness sa korupsyon sa gobyerno, partikular sa mga proyekto ng public works, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS). Batay sa resulta na inilabas nitong Miyerkoles, bumaba ang trust rating ni Pangulong Marcos sa 43% mula 48% noong Hunyo, habang si VP Sara ay bumaba sa 53% mula 61% sa kaparehong panahon. Pinakamalaking pagbaba ang naitala ni Marcos sa Balance…

Read More

RICE TARIFFICATION LAW, NAGING LASON SA INDUSTRIYA NG BIGAS – KIKO

INILARAWAN ni Senate Committee on Agriculture Chairman Francis Kiko Pangilinan na naging lason sa halip na pataba sa industriya ng bigas sa bansa ang ipinatupad na Rice Tariffication Law. Kaya naman, muling iginiit ni Pangilinan ang pangangailangan upang amyendahan ang batas upang matiyak na makakatulong sa mga magsasaka. Sa pagdinig sa Senado, kinumpirma ni Pangilinan na bubuo na sila ng technical working group upang bumalangkas ng committee report na maglalaman ng mga aamyendahang probisyon sa batas na anya’y nagpahina sa National Food Authority (NFA) at naging dahilan ng pagbaha ng…

Read More