QUEZON – Trahedya ang sinapit ng magpinsang menor de edad matapos na malunod sa Mayao River sa hangganan ng Barangay Bigo, Pagbilao at Barangay Mate, Tayabas City, noong Linggo ng hapon. Kinilala ang nasawing mga biktima na sina Roberto at Gabriel, kapwa elementary student at residente ng Barangay Tumbaga 1, bayan ng Sariaya. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Tayabas City Police, pasado ala-1:00 ng hapon nang mangyari ang insidente habang magkasama ang dalawang biktima at ang kanilang isa pang pinsan at nagpasyang maligo sa ilog. Hindi umano nagpaalam ang…
Read MoreDay: October 27, 2025
MOTORCYCLE RIDER, PATAY SA TRICYCLE
CAVITE – Patay ang isang 22-anyos na binata nang banggain ang minamanehong motorsiklo ng isang tricycle sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Isinugod sa Divine Grace Medical Center ang biktimang si alyas “Lawrence” ng Brgy. Punta 1, Tanza, Cavite subalit hindi umabot nang buhay. Hawak na ng pulisya ang driver ng isang itim na tricycle na Rusi Macho na may plakang 505XSB, na si alyas “Boni”. Ayon kay Arava Avelzor Visitacion, punong tanod ng Brgy. Bucal, Tanza, habang sakay siya ng kanyang motorsiklo at kasunod ng…
Read MoreCHINESE FISHERMEN NAHULIHAN NG CYANIDE
ILANG Chinese fishing boat ang pinigilan ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippine-Western Command na nagsasagawa ng ilegal na pangingisda sa bisinidad ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea. Ayon sa AFP, talagang binabantayan nila ang mga “hindi awtorisadong” Chinese fishing boat malapit sa Ayungin Shoal na pinagsususpetsahang nagsasagawa ng cyanide fishing sa area. “In adherence to established protocols, AFP personnel promptly escorted the unauthorized fishing boats out of the area and confiscated bottles containing suspected cyanide chemicals reportedly used for destructive fishing,” ayon sa AFP. Ayon sa…
Read MoreEXTRADITION POLICY SA BANSA PINAGTIBAY NG SC
INAPRUBAHAN ng Supreme Court ang mga bagong polisiya sa extradition ng indibidwal na may kasong kriminal o hatol na dapat isagawa sa ibang bansa. Layunin nito matiyak ang pagkakapare-pareho at magkaroon ng gabay sa paghawak ng extradition cases. Sa 16 pahinang dokumento inilabas ng SC, tinukoy ng Korte Suprema ang “extraditee” bilang sinumang nasa teritoryo ng Pilipinas na hiniling ng ibang bansa para sa extradition o pansamantalang pag-aresto. Maaaring i-extradite ang isang indibidwal kung ang naging krimen ay pinarusahan ng parehong batas ng Pilipinas at ng humihiling na bansa ng…
Read MoreOIL PRICE HIKE NA NAMAN! DIESEL TATAAS NG P2/LITRO
MAGPAPATUPAD ng malakihang taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula Martes, ayon sa kanilang mga abiso. Sa anunsyo ng Shell, SeaOil, Petro Gazz, at CleanFuel, may P2 dagdag sa kada litro ng diesel, habang P1.20 naman ang dagdag sa gasolina. Para naman sa kerosene, tataas ito ng P1.70 kada litro. Ayon kay Rodela Romero ng Oil Industry Bureau ng Department of Energy (DOE), ang pagtaas ay dulot ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na maghigpit ng sinturon…
Read MoreDRONES, DATA ANALYTICS AT AI POSIBLENG GAMITIN SA LABAN KONTRA KRIMEN – PNP
PINAG-AARALAN ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang paggamit ng makabagong teknolohiya para sa mas ligtas, mabilis, at episyenteng serbisyo sa publiko. Ayon kay PNP Chief P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., bahagi ng kanilang plano ang paggamit ng drones, data analytics, at interconnected systems upang maging mas handa at responsive ang pulisya lalo na sa panahon ng krisis. “Layunin natin na magkaroon ng technology-powered PNP na mabilis makaresponde sa mga pangangailangan ng mga Pilipino, lalo sa oras ng sakuna at emerhensiya,” pahayag ni Nartatez. Kasama sa isinusulong na proyekto…
Read MoreFAKE NEWS: P7K-P20K SINGIL SA MGA TINDERO SA MANILA NORTH CEMETERY NGAYONG UNDAS
PINABULAANAN ng pamunuan ng Manila North Cemetery (MNC) ang akusasyon ng paniningil umano ng ₱7,000 hanggang ₱20,000 bilang “permit fee” sa mga vendor na magtitinda sa loob ng sementeryo ngayong Undas. Lumutang ang isyu matapos umanong magreklamo ang pamunuan ng isang kilalang food outlet kay Manila Mayor Isko Moreno, hinggil sa sinasabing ₱20,000 kada araw na singil para sa tatlong araw ng pagtitinda sa loob ng sementeryo. Bukod pa rito, sinasabing ₱7,000 kada araw ang hinihingi sa mga tindero ng bulaklak ng opisina ni Tan, opisyal ng sementeryo. Agad namang…
Read MorePaalala sa mga byahero PPA MAY UNDAS 2025 TRAVEL ESSENTIALS
NAGLABAS ng listahan ng travel essentials ang Philippine Ports Authority (PPA) ngayong Undas 2025, kasabay ng paalala para sa ligtas at maayos na biyahe sa mga pantalan sa bansa. Para sa mga pamilyang may bata: Dalhin ang tickets at IDs, snacks at inumin, laruan, aklat o tablet, wet wipes, extrang damit, sumbrero o jacket, basic first-aid kit (band-aid, thermometer, paracetamol drops), at name tag o safety wristband. Paalala rin ng PPA, hawak-kamay dapat ang mga bata sa mataong lugar para iwas sa pagkaligaw. Para sa mga solo travelers: Bitbitin ang…
Read MoreMAKABULUHANG SERBISYO NG QCPD IBINIDA NI PCOL. SILVIO
IPINAGMALAKI ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga makabuluhang nagawa nito sa serbisyo mula Oktubre 19 hanggang 25, 2025, kabilang ang mga programang pangkalusugan, parangal sa mga tauhan, at tulong sa komunidad. Ayon kay Acting District Director PCol. Randy Glenn Silvio, umabot sa 194 benepisyaryo ang natulungan ng QCPD Medical and Dental Unit, kabilang ang mga pulis, dependents, sibilyan, at Persons Under Police Custody (PUPC). Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ang medical check-ups, dental care, chest X-ray, at pre-medical exams para sa mga papasok sa PFT sa Nobyembre. Kasabay…
Read More