MANANATILING lehitimong namumuno sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) matapos ipagpaliban ang kauna-unahang parliamentary elections sa rehiyon. Ayon sa Office of the President (OP), dahil walang naganap na halalan, patuloy na gaganapin ng BTA ang buong kapangyarihan at awtoridad nito sa ilalim ng extended transition period hanggang sa mahalal o maitalaga ang mga bagong opisyal. “The authority to make changes in the composition of the BTA during the transition remains with the Office of the President, as provided by law,” pahayag ng OP.…
Read MoreDay: October 30, 2025
P204K DROGA NASAMSAM SA 2 HVTs SA ZAMBOANGA
ZAMBOANGA DEL NORTE – Dalawang high value target ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang anti-narcotics operation sa lalawigan na nagresulta sa pagsamsam sa P204,000 halaga ng umano’y shabu, ayon sa ibinahaging ulat ng ahensya nitong Huwebes. Ayon report na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA Regional Office 9 (PDEA RO9) – Zamboanga del Norte Provincial Office (ZNPO), ang dalawang indibidwal na nagresulta sa pagkakakumpiska ng tinatayang 30 gramo ng hinihinalang crystal meth o…
Read MoreGRADE ONE STUDENT PATAY SA SAGUPAAN SA NEGROS OCC
NEGROS OCCIDENTAL – Patay ang anim na taong gulang na bata nang mahagip ito ng punglo sa sagupaan sa pagitan ng New People’s Army at tropa ng pamahalaan sa bayan ng Moises Padilla sa lalawigan. Dead on the spot ang mag-aaral ng Agogolo Elementary School, matapos siyang tamaan ng bala sa ulo sa gitna ng sagupaan sa pagitan ng mga kagawad ng Army 62nd Infantry Battalion at mga NPA terrorist sa Sitio Inangao, Barangay Quintin Remo. Patuloy na tinutugis ng militar ang tumakas na NPA remnants habang nakalagak naman ang…
Read MoreDAWLAH ISLAMIYAH BOMB MAKER NASAKOTE NG PNP-SAF
SULTAN KUDARAT – Nasakote ng mga kasapi ng Special Action Force (SAF) commandos ang sinasabing expert bomb maker ng Dawlah Islamiyah-Hassan Group matapos ang ilang oras na operasyon sa bayan ng Palimbang sa lalawigan, ayon kay Philippine National Police (PNP) acting chief, Lieutenant General Jose Melencio Nartatez. Kinilala ni Nartatez ang nadakip na bomb expert na si JB Mastura, nakilala rin bilang si Abu Naim, na nakubkob sa kanyang hideout sa Barangay Ligao. Sinasabing ang naaresto ay may standing warrant arrest sa kasong multiple murder, destructive arson, at paglabag sa…
Read MoreUGANDAN NAT’L HULI SA NAIA DRUG INTERDICTION OPS
ARESTADO ang isang Ugandan national ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs matapos masabat ang tinatayang 6,250 grams ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride (shabu) na may street value na aabot sa P42,500,000.00 sa isinagawang anti-narcotics interdiction operation sa Customs Exclusion Room, Arrival Area, NAIA Terminal 3 noong Martes ng gabi. Kinilala ang banyagang umano’y drug trafficker na si alias “Adnan,” 45-anyos na Ugandan national, isang negosyante na dumating sa Pilipinas mula sa Antananarivo, Madagascar, na may connecting flight sa Pilipinas. Sa isinagawang joint interdiction operation ng…
Read MoreSOLON NANAWAGAN NA IPRAYORIDAD SPECIAL COURT NA TUTUTOK SA INFRA ANOMALY CASES
IKINATUWA ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno ang hakbang ng Korte Suprema na magtalaga ng special courts na tututok sa mga kasong may kinalaman sa anomalya sa mga infrastructure projects ng pamahalaan. “Dapat itong bigyang pinakamataas na prayoridad, dahil buong sambayanan ang ninanakawan, niloloko, at pinapahirapan,” pahayag ni Diokno. Ginawa ng kongresista ang pahayag matapos atasan ng Supreme Court ang Office of the Court Administrator (OCA) na mahigpit na bantayan ang lahat ng kasong isasampa sa mga Regional Trial Courts (RTC) kaugnay ng mga iregularidad sa imprastraktura. Sa sandaling maisampa…
Read MoreICI kung talang independent – solon ‘PORK’ NI MARCOS JR. IMBESTIGAHAN DIN
HINAMON ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na patunayan ang tunay nitong kalayaan at integridad sa pamamagitan ng pag-imbestiga kung paano ginamit ng Marcos Jr. administration ang unprogrammed appropriations (UA) nito. Ayon kay Tinio, walang kapantay ang laki ng pondo ng UA sa mga nakaraang taon. “Walang kapantay po ang naging level o halaga ng UA na ito lalo na noong 2023–2024. Tanging presidente po ang may discretion sa paggamit nito, kaya po tinatawag ko itong presidential pork,” ayon sa kongresista. Itinatag ni…
Read MoreAPELA NG PAMILYA VELOSO SA SC; KASO RECRUITERS BILISAN
BINUHAY ng pamilya ni Mary Jane Veloso ang kanilang apela sa Korte Suprema upang pabilisin ang pagdinig sa kaso laban sa mga recruiter na umano’y nagtulak sa kanya sa bitag ng international drug trafficking. Layunin ng panawagan na makapagsumite na si Veloso ng kanyang testimonya bilang biktima ng human trafficking at illegal recruitment. Kasama ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) at ilang tagasuporta, nanawagan ang pamilya na payagan ang pagpapatuloy ng paglilitis sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong, kung saan kasalukuyang nakakulong si Veloso. Ang mga kasong isinampa…
Read MoreTAAS-SAHOD SA CENTRAL LUZON EPEKTIBO NA
EPEKTIBO nitong Huwebes, Oktubre 30, ang umento o dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa Central Luzon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Batay sa itinakdang bagong wage order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB), ang daily minimum wage sa unang tranche ay nasa pagitan ng ₱475 hanggang ₱570 depende sa uri ng industriya at lokasyon sa rehiyon. Itinakda rin ng DOLE na magkakaroon ng ikalawang tranche ng dagdag-sahod sa Abril 16, 2026, kung saan tataas ang arawang sahod sa pagitan ng ₱515 at ₱600. Kasabay nito,…
Read More