PINAGBANTAAN umano ni dating House Speaker Martin Romualdez si resigned Congressman Zaldy Co na babarilin kapag nagsalita hinggil sa katiwalian sa flood control projects. Isinaad ito ni Co sa kanyang ikatlo at huling bahagi na video statement na ginawa sa hindi binanggit na lugar. Kasabay nito ay ibinunyag niya na hindi P21 billion lamang ang flood control projects sa Bulacan kundi P56 billion na ang may-ari aniya ay si Pangulong Bongbong Marcos. “March 2025 pa lang, si Speaker ay nagpaparinig na sa akin sa aming meeting that he will shoot…
Read MoreDay: November 16, 2025
Australia magbibigay naman ng $3-M U.S. NAGKALOOB NG PANIBAGONG $1.5-M EMERGENCY AID SA PINAS
NAGKALOOB ang U.S. ng panibagong $1.5M emergency aid kasabay ng pagbisita ni Ambassador MaryKay Carlson, kasama si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., sa mga sundalong Amerikano at tropa ng Armed Forces of the Philippines na kasalukuyang nagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Relief operations. INIHAYAG ng US Embassy sa Pilipinas ang pagbibigay ng karagdagang $1.5 million o katumbas ng P87 million emergency aid para sa disaster response effort ng Pilipinas para sa mga biktima ng mga nagdaang bagyong Tino at Super Typhoon Uwan. Kaugnay nito, umabot na sa $2.5 million…
Read MoreMAYOR ISKO, VM CHI NAKASUPORTA SA INC RALLY
DUMATING sa Quirino Grandstand si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si Vice Mayor Chi Atienza upang magbigay ng suporta sa nagaganap na peace rally sa lungsod. Ayon sa alkalde, personal niyang sinuri ang mga nakadeploy na medical frontliner at ang mga itinakdang holding area para sa mga dadalo sa Maynila. Para naman sa mga inaasahang dadagsa sa tatlong araw na peace rally, handa umanong ipagamit ng lungsod ang ilang pasilidad, kabilang ang San Andres Sports Complex, Dapitan Sports Complex at Delpan Sports Complex. Layunin nitong matiyak ang kaligtasan ng…
Read MoreCROWD ESTIMATE SA LUNETA RALLY HIGIT 550,000
PATULOY ang pagdagsa ng mga tao sa Luneta Park upang makiisa sa panawagan na panagutin ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Kaugnay pa rin ng peace rally na tinawag na Transparency and a Better Democracy ng Iglesia ni Cristo (INC), umakyat na sa 550,000 ang crowd estimate sa Quirino Grandstand, ayon sa Manila Police District (MPD) hanggang alas-5 ng hapon. Pormal na sinimulan ang programa dakong alas-4 ng hapon, at isa sa mga nagsalita sa entablado si INC spokesperson Edwil Zabala. Ani Zabala, simple lamang ang panawagan ng taumbayan: maging…
Read MorePART 2 NG ZALDY CO EXPOSE’ WALA PA RING MATIBAY NA EBIDENSYA – GOITIA
HINDI sapat ang ikalawang video ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co upang patunayan ang mga paratang nitong katiwalian laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez. Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, puno man ng dramatikong pahayag ang video, wala itong kalakip na dokumento o beripikadong ebidensya. Binanggit niya na ang alegasyon ni Co na personal itong naghatid ng maletang naglalaman umano ng pera sa Malacañang at sa Speaker ay hindi maaaring tanggapin nang walang matibay na patunay tulad ng visitor logs, CCTV…
Read MoreMalakanyang ‘selyado’ kasabay ng anti-corruption rally 16K PULIS, AFP HANDANG SUMAGUPA SAKALING MAGKAGULO
SAPAT ang security measures sa Palasyo ng Malacañang para maiwasan ang kaguluhang kahalintulad ng nangyari noong September 21 protest sa Mendiola. “Tingin ko sapat na ‘yung preparasyon. Kung ano man ang isasarang gate diyan, enough na ‘yan to give protection at maiwasan ang gulo,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. Paliwanag niya, hindi lang Malacañang ang pinoprotektahan kundi pati ang mga tao at establisimyento sa paligid. “I think ready ang kapulisan natin sa ganyang klaseng mga aktibidad,” dagdag pa ni Castro. Mahigit 16,000 pulis…
Read MoreSEN. ERWIN TULFO, NAGPAABOT NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG TINO SA PALAWAN
PERSONAL na namahagi si Senador Erwin Tulfo noong Sabado ng bigas at essentials sa humigit-kumulang 1,000 pamilya sa Langogan, Puerto Princesa, na naapektuhan ng kamakailang Bagyong Tino. Ang ayudang ito ay karagdagan pa sa nauna nang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga munisipalidad ng Palawan gaya ng Roxas, Agutaya, Araceli, at Coron. “Habang ako ay Senador, magtutulungan tayo upang maibsan ang sitwasyon hindi lang sa Langogan, Puerto Princesa, kundi sa buong Palawan. At higit sa lahat, ng buong MIMAROPA na laging napag-iiwanan,” ani Tulfo. Bumisita rin ang Senador na tubong…
Read MoreLACSON, DIZON ‘DI KUMBINSIDO SA AKUSASYON NI CO
TINAWAG na imposible nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang akusasyon ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na inutusan siya ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na magpasok sa bicameral conference committee ng P100 bilyong halaga ng proyekto sa 2025 national budget. Ayon kay Lacson, na siyang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, walang probative value ang video statement ni Co dahil hindi niya ito sinumpaan. Isa pa, sinabi ni Lacson na bakit pa sa bicameral conference committee magpapasingit…
Read More