SEN. ERWIN TULFO, NAGPAABOT NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG TINO SA PALAWAN

PERSONAL na namahagi si Senador Erwin Tulfo noong Sabado ng bigas at essentials sa humigit-kumulang 1,000 pamilya sa Langogan, Puerto Princesa, na naapektuhan ng kamakailang Bagyong Tino.

Ang ayudang ito ay karagdagan pa sa nauna nang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga munisipalidad ng Palawan gaya ng Roxas, Agutaya, Araceli, at Coron.

“Habang ako ay Senador, magtutulungan tayo upang maibsan ang sitwasyon hindi lang sa Langogan, Puerto Princesa, kundi sa buong Palawan. At higit sa lahat, ng buong MIMAROPA na laging napag-iiwanan,” ani Tulfo.

Bumisita rin ang Senador na tubong Palawan sa Barangay Binduyan sa Puerto Princesa na kamakailan lang ay nakaranas ng landslide na nagresulta sa pagkasira ng isang bahagi ng pambansang lansangan.

Nagtungo rin si Sen. Erwin Tulfo sa Western Command (WESCOM) sa Palawan, na pinamumunuan ni Commander Vice Admiral Alfonso Torres Jr., upang ipahayag na isusulong niya sa Senado ang karagdagang pondo para sa pagpapaunlad ng imprastraktura at maintenance ng military hospital.

Pinuri rin ng mambabatas ang serbisyo ng mga tagapagtanggol ng Western Frontier, na ipinakita ng mataas na public trust sa buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

“Sabi ko sa sarili ko na tutulungan ko kayo dahil malaki ang tulong ninyo sa bansa. Panatilihin niyo iyan,” wika ni Tulfo, na nakikipag-usap sa militar ng Western Command.

Bilang pagtatapos ng kanyang pagbisita sa kanyang bayan, nakiisa si Sen. Erwin Tulfo sa kanyang mga kapwa alumni sa Seminario de San Jose na aktibo rin sa serbisyo publiko.

“Disiplina, pasensya, at panalangin. Ito ang naging gabay ko sa paglilingkod sa bayan. Ang mundo ng pulitika ay sumusubok sa iyong karakter araw-araw. Ngunit salamat sa seminaryo, natutunan ko na ang tunay na pamumuno ay serbisyo at ang serbisyo ay pagmamahal, hindi ambisyon,” puna ni Tulfo.

Isang tagapagtaguyod ng ora mismong serbisyo publiko, ang bagitong Senador ay aktibong tumutulong sa pamamagitan ng kanyang extension office sa Palawan upang pagsilbihan ang mga mamamayan ng MIMAROPA sa medical, financial, burial, legal assistance, at iba pa.

57

Related posts

Leave a Comment