MAGING ARAL SANA SA GAHAMAN DING GOV’T OFFICIALS

 DPA ni BERNARD TAGUINOD MAGSILBI sanang aral sa government officials ang nangyari sa mga dating opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Mimaropa Region, na nauna pang nakulong kaysa mga talagang kumita sa anomalya sa flood control projects. Kahit ‘yung mga opisyales ng Sunwest Inc., ang kumpanya na itinatag ni Zaldy Co, ay dapat magsilbing aral din sa iba ang kanilang kaso dahil nagpagamit sila sa tunay may-ari ng kumpanya at makukulong din kahit suwelduhan lang sila. Itanggi man ng mga nakulong dahil sa anomalya sa flood…

Read More

CONG. SANDRO MARCOS MAY P50.9-B INSERTIONS DIN SA NAT’L BUDGET?

PUNA ni JOEL O. AMONGO ISINIWALAT ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co sa kanyang pinakabagong inilabas na video, na maging si Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos ay may bilyun-bilyong pisong insertions sa pambansang budget. Ayon kay Co, mula 2023 hanggang 2025 ay may insertions sa pambansang pondo si House Majority Leader Sandro Marcos na nagkakahalaga ng P50.9 billion. Narito ang detalyadong halaga ng insertions ni Sandro Marcos: P9.63-B – 2023; P20.17-B – 2024; P21.127-B – 2025 na may kabuuang P50.938 billion. “Hindi lang po ang Pangulo may insertions sa…

Read More

COMELEC HINDI NAGPATANGAY SA INTRIGA SA ISYU KAY CHIZ

CLICKBAIT ni JO BARLIZO IBINASURA na ng Comelec ang usapin ng “campaign donation” laban kay Senator Francis “Chiz” Escudero. Tama lang. Sa panahon kung kailan ginagamit ang mga institusyon para sa pulitikal na intriga, mahalagang kilalanin na ang reklamong ito ay manipis, mahina, at walang sapat na batayan upang paniwalaan. Una, hindi kapani-paniwala ang alegasyon na higit 100 contractor ang sabay-sabay na magbibigay ng kickback sa isang Senate President na hindi naman itinuturing na kasapi ng matibay na paksyon sa Malacañang. Kilala si Escudero bilang isang independent—isang mambabatas na hindi…

Read More

MAS MURA PANG MAG-ABROAD KAYSA MAGLIWALIW RITO, BAKIT GANITO?

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN SA tuwing nagtse-check ako ng pamasahe papuntang abroad, parang gusto ko na lang umiwas ng tingin. Hindi dahil wala akong balak mag-travel kundi dahil nakaaasar makita na mas mura pa ang lumipad papuntang Hong Kong o Vietnam kaysa bumiyahe sa mga lugar dito sa atin. Hindi ito exaggeration. Totoo ito at malinaw sa presyo. Isipin mo. May mga flight mula Maynila papuntang Hong Kong na nasa tatlong libong piso mahigit lang ang one way. Ang round trip, mahigit na anim na libong piso lang.…

Read More

FL LIZA, MARTIN ARANETA DAWIT SA BOC ANOMALY – CO

MATAPOS isiwalat ang umano’y katiwalian sa mga flood control project na kinasasangkutan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., idinawit na rin ni dating Congressman Zaldy Co si First Lady Liza Araneta Marcos at kapatid nito na si Martin Araneta. Sa ikaanim na video message kahapon, sinabi ni Co na sangkot ang Unang Ginang sa katiwalian sa Bureau of Customs (BOC) at sa mga operasyon sa importasyon ng sibuyas, asukal at bigas, na aniya’y dahilan kaya hindi bumababa ang presyo ng mga ito sa lokal na pamilihan. Ayon kay Co, kinausap…

Read More

‘RESET PLOT’ ITINANGGI NG AFP

“WALANG puwang sa Republika ang anomang extra-constitutional shortcut,” pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos banatan ang umano’y planong “reset” o pagtatatag ng civil-military junta para patalsikin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at VP Sara Duterte. “Hindi po ito parang video game na pwede nating i-restart,” diin ng pamunuan ng AFP. Tiniyak naman ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na hindi kailanman sasawsaw ang kasundaluhan sa ano mang destabilization plot. “I would go back to that premise na wala pong restart plot within the Armed Forces of…

Read More

ICI: PLUNDER VS 8 CONGRESSMEN

IREREKOMENDA ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder, anti-graft, bribery at conflict of interest laban sa walong kongresistang umano’y may-ari ng construction companies na may proyekto sa DPWH. Ang mga ito, ayon sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ay sina: dating rep. Zaldy Co, Rep. Edwin Gardiola, para sa Newington Builders, Rep. James Ang Jr., Rep. Journey Jett Nisay, Rep. Augustina Pancho, Rep. Joseph Lara, Rep. Francisco Matugas at Rep. Noel Rivera. Ayon…

Read More

WORLD CLASS WASTE-TO-ENERGY PLANT ITATAYO SA NEW CLARK CITY

NAKATUON ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA), kasama ang Filipino-Indian consortium, sa pagsusulong ng pagtatayo ng kauna-unahang large-scale waste-to-energy (WTE) plant sa bansa—isang world-class, state-of-the-art na pasilidad na magpapabago sa basura tungo sa malinis na enerhiya para sa libu-libong sambahayan, at lilikha ng trabaho para sa mga Pilipino sa buong rehiyon ng Central Luzon. Kamakailan, ang BCDA at ang consortium ng ATD Waste to Energy Corp. Global Heavy Equipment and Construction Corp., at ang Uttamenergy Ltd. na nakabase sa India, ay nagpormal ng kanilang kontrata sa pag-upa para sa…

Read More

LALAKI PATAY SA RIDER, 1 PA SUGATAN

CAVITE – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang isa pa na tinamaan ng ligaw na bala, makaraang pagbabarilin ng isang motorcycle rider sa Dasmariñas City noong Martes ng umaga. Isinugod sa Dasmariñas City Medical Center ang biktimang si alyas “Jervy” ng Tester Avenue, Brgy. Salawag, Dasmariñas City subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng bala sa katawan, habang sa De La Salle Medical Center dinala ang biktimang si alyas “Pepito”, 41, ng Brgy. Jose Abad Santos Ave., Salawag, Dasmariñas City, dahil sa tama ng ligaw na bala.…

Read More