BONUS AT CASH GIFT, HANDA NANG IPAMIGAY NG KAPITOLYO — GOV. UMALI

TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG magandang balita ang hatid ni Governor Aurelio “Oyie” Umali sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija. Nakatakda na kasing i-release ngayong linggo ang kanilang cash gift at bonuses. Sa simpleng anunsyong ito, ipinakita ng gobernador na ang tunay na lakas ng kapitolyo ay nasa masisipag na mga empleyado na araw-araw na naglilingkod sa publiko. Hindi rin nakalimutan ni Gov. Umali na kilalanin sina Vice Governor Lemon Umali at Board Member EJ Joson sa kanilang tapat na pagganap bilang pansamantalang mga pinuno ng…

Read More

JUSTICES

HOPE ni GUILLER VALENCIA SA Old Testaments of the Bible, maraming stories about injustices sa kanilang komunidad. Sounds familiar dito sa bansang Pilipinas (sabi nila bansang pilipit na) na may nagaganap din noon at ngayon na injustices. Halimbawa, biktima ng Martial Law, Duterte drug wars, land grabbing at iba pa. Isama na natin ang mga biktima ng baha, dahil dapat ang pera ay ginamit para mapigilan ang pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa. Bagkus walang habas na ninakaw ang pera na nakalaan sa flood control para makaiwas sa sakuna…

Read More

‘YANG POLITICAL DYNASTY

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SABI ng Section 26, Article II ng 1987 Constitution: The State shall guarantee equal access to opportunities for public service and political dynasties as may be defined by law. Mula noon, kung may nagtangka man na magpanukala ng isang anti-dynasty bill, ang tiyak, ‘di ito makapapasa sa House of Representatives na karamihan, magkakamag-anak ang nagpapalitan sa puwesto dahil sa may term limit sa pag-upo ng isang politiko. May problema ang Section 26, dahil nakasulat “The State shall …” – na sa tingin ko, walang…

Read More

PURO ALEGASYON WALA NAMANG EBIDENSYA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO WALANG tigil ang bulagaan ng mga alegasyon araw-araw. Tumitindi pa. Iba’t iba ang nahuhukay. Sa bawat akusasyon ay may depensa ang pinagbibintangan. Pinasisinungalingan ang mga ipinupukol dahil wala raw basehan. Ang taumbayan ay nasa harapan ng mga palabas na patuloy na tumitindi ang mga balangkas ng kwento. Sala-salabat man ang mga kuwento, ito ay nakasentro sa pinakamalaking pagtatanghal – ang pamagat ay KORUPSYON, ang buod ng mga pira-pirasong teleserye. Sino ang bida, ang kontrabida? Hiling lang natin sa mga patuloy sa kanilang paratang, aba, panumpaan ninyo…

Read More

‘UTAK’ NG BILYONG BUDGET INSERTIONS ITINATAGO NG DPWH?

ITINURO ni Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na umano’y nagtatago ng impormasyon hinggil sa mga proponent ng insertions sa 2025 General Appropriations Act (GAA) at maging sa 2026 national budget. Ayon kay Leviste, hindi isinasapubliko ng DPWH ang database nito ng mga proponent ng National Expenditure Program (NEP) sa kabila ng aniya’y malaking halaga ng insertions na nakapaloob sa pondo para sa susunod na dalawang taon. “The DPWH has a database of the proponents in the NEP, which they should release if…

Read More

Sumusweldo pero ‘di nagtatrabaho – netizens SEN. BATO, WER NA U?

WALA pang balak si Senador Ronald Bato dela Rosa na magpakita sa Senado sa gitna ng sinasabing paglalabas ng warrant of arrest ng International Criminal Court laban sa kanya, bagay na ikinadismaya ng netizens. Kinumpirma ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian na nagpasabi na sa kanya si dela Rosa na hindi niya madidipensahan ang panukalang 2026 budget ng mga ahensyang kanyang hinawakan bilang vice chairman ng kumite. Si Dela Rosa sana ang mag-sponsor sa 2026 budget ng Department of National Defense (DND) at ng ibang opisina tulad ng Marawi…

Read More

Bago mag-presidente ISYU SA CONFI FUNDS DAPAT UNANG HARAPIN NI VP SARA

MALAMIG ang tugon ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na handa siyang tumayo bilang pangulo sakaling bumaba sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hangga’t hindi nito hinaharap ang isyu ng ilegal na paggamit ng confidential at intelligence funds (CIFs). “Baka mas mahalaga na maging ready siya na harapin niya ang accountability sa mga ginawa as vice president and even as DepEd Secretary. So bago mag-aspire at mag-assume na siya na ‘yan, unahin niyang paghandaan ang pagharap sa accountability sa confidential…

Read More

Gustong ipabusisi sa Kamara PAG-FREEZE NG ASSETS SA FLOOD MESS MAKUPAD

NAGHAIN ng resolusyon ang mga kongresista ng Liberal Party (LP) upang alamin kung bakit maliit pa lamang ang halaga ng na-freeze na assets ng mga sangkot sa anomalya sa flood control projects, sa kabila ng umiiral na mga batas laban sa unexplained wealth at money laundering. Sa House Resolution (HR) 524 na inakda ng grupo sa pangunguna ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima, inatasan ang House Committee on Justice na busisiin ang implementasyon ng Republic Act (RA) 1379 o Unexplained Wealth Law at RA 9160 o Anti-Money…

Read More

LAHAT NG SANGKOT SA FC SCAM MAKUKULONG – REMULLA

“LAHAT sila makukulong,” pagtitiyak nitong Huwebes ng Department of the Interior and Local Government tungkol sa mga akusado sa multi billion flood control scandal sa DPWH. Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, desidido ang pamahalaang Marcos na ipakulong ang lahat ng may sala sa floodgate scam. Tutugisin sila at pananagutin ang lahat ng sangkot sa korapsyon lalo na ang mga sabit sa flood control anomaly. “Makakaasa kayo na ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay hindi umaatras sa hamon na ang mali, nagkamali at nagnakaw, lahat…

Read More