PAIIMBESTIGAHAN ng Digital Pinoys ang reklamong “fare-bidding” at pamimili ng byahe ng transport network vehicle service (TNVS) na Indrive, matapos dagsain ng reklamo mula sa commuters na hindi raw tinatanggap ang booking hangga’t di paulit-ulit na tinaasan ang alok na pamasahe. Sa QC Journalists Forum nitong Martes, sinabi ni Digital Pinoys national campaigner Ronald Gustilo na sa kuwento ng mga pasahero, hindi pumapayag ang driver sa unang alok, kahit fair o tama ang presyo. Kailangan daw magdagdag at mag-overbid bago ka mapick-up. “Ipinakilala raw na alternatibo sa surge pricing, pero…
Read MoreDay: December 10, 2025
YAP BROTHERS KABILANG SA FREEZE ORDER SA FLOOD CONTROL SCAM
NAGLABAS na ng freeze order ang Court of Appeals laban sa bank accounts, ari-arian at mismong mga aircraft na konektado sa maanomalyang flood control projects na iniimbestigahan ng gobyerno. Ito ang ibinunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang podcast nitong Martes, Disyembre 9. Sakop ng freeze order ang Silverwolves Construction Corporation at Sky Yard Aviation Corporation, pati na rin ang personal assets ng mga sangkot — kabilang sina Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Rep. Edvic Yap. Ayon sa Pangulo, mahigit ₱16 bilyon ang pumasok sa transaksyon ng Silverwolves…
Read MoreICC WARRANT VS BATO ‘DI ISISIKRETO NG DOJ
HINDI ililihin ng Department of Justice (DOJ) sakaling matanggap nila ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa. Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, “Walang sikreto rito.” Kapag dumating umano sa kanila ang warrant, tungkulin nilang ipaalam ito. “Kapag nandiyan na ang warrant of arrest, assuming na sa amin i-transmit, tungkulin naming sabihin na may warrant of arrest,” pahayag ni Martinez sa GMA Integrated News’ “Balitanghali.” Dagdag niya, anomang warrant ay dapat ipatupad “ayon sa batas at international law.” Pag-aaralan pa ng…
Read MorePANUKALANG 2026 BUDGET, LUSOT NA SA SENADO
APPROVED na sa third and final reading ang panukalang P6.793 trillion 2026 national budget. Sa botong 17 senador na pumabor, walang tumutol at walang nag-abstain, inaprubahan na ng Senado ang House Bill 4058 o ang General Appropriations Bill. Tulad ng mga naunang deklarasyon ang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking alokasyon sa panukalang pambansang pondo. Samantala, tiniyak ni Senate President Vicente Tito Sotto III na hindi sila papayag na hindi matuloy ang livestream ng proseso ng bicameral conference committee meeting sa panukalang budget. Sinabi ni Sotto na malinaw ang napag-usapan…
Read MoreKASONG KIDNAPPING AT HOMICIDE LABAN KAY ATONG ANG, 25 PA INIREKOMENDA NG DOJ
INIREKOMENDA ng Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kaso ang 26 na indibidwal, kabilang si Charlie Atong Ang, negosyante at kilalang gaming tycoon. Ayon sa DOJ, may prima facie evidence na pwedeng itindig ang kaso sa korte. Kabilang sa mga inirekomendang kaso ang 10 counts ng kidnapping at homicide laban kina Ang at 25 pang indibidwal, karamihan ay mga pulis. Bukod dito, 16 counts ng kidnapping with serious illegal detention ang inirekomenda rin laban kina Ang at 9 pang indibidwal. Ipinabatid ng DOJ na ibinasura ang mga reklamo laban…
Read MoreInunahan ang arrest warrant SARAH DISCAYA KUSANG SUMULPOT SA NBI
KUSANG sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes ang contractor na si Sarah Discaya, ilang oras matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakatakdang lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng maanomalyang flood control projects. Dumating si Discaya sa NBI headquarters sa Pasay City bandang alas-diyes ng umaga, matapos makipag-ugnayan umano sa ahensya hinggil sa kanyang pagsuko. Sa isang video message, sinabi ni Marcos na inaasahang lalabas ngayong linggo ang warrant laban kay Discaya at hindi na raw magtatagal bago siya maaresto. “Hindi…
Read MoreBINATILYO TUMANGAY NG MOTORSIKLO, ARESTADO
CAVITE – Arestado ang isang 18-anyos na water delivery boy makaraang tangayin ang isang motorsiklo na naiwan ng may-ari ang susi nang sumilong dahil umuulan sa bayan ng Silang sa lalawigan nitong Martes ng madaling araw. Hawak ngayon ng pulisya ang suspek na si alyas “Russel”, tubong Bicol, at residente ng AFP Housing, Brgy. Bulihan, Silang, Cavite matapos ireklamo ng biktimang si alyas “Joboy”, 28-anyos. Ayon sa reklamo ng biktima, ipinarada niya ang kanyang motorsiklong blue na Mitsukoshi Euro Keeway Icon 110 Scooter, bandang alas-2:00 ng madaling araw sa Governor’s…
Read MoreSANGGOL INIWAN SA KULUNGAN NG BABOY
CAMARINES SUR – Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Calabanga Municipal Police Station matapos madiskubre ang buhay na bagong silang na sanggol na babae sa Zone 2, Brgy. Salvacion Baybay, sa bayan ng Calabanga sa lalawigan pasado alas-2:00 ng hapon noong Linggo. Ayon sa ulat ng pulisya, nagresponde ang mga tauhan ng Calabanga Police Station matapos makatanggap ng ulat hinggil sa nadiskubreng sanggol na nakalagay sa isang palanggana sa likod ng kulungan ng baboy. Dinala ng mga pulis ang sanggol sa Bicol Medical Center para masuri bago ini-refer sa Municipal Social…
Read MoreSa Delay sa Redistricting Law: COMELEC NABABAHALA SA BARMM POLLS
NABABAHALA ang Commission on Elections (Comelec) sa kalagayan ng halalan sa Bangsamoro region dahil hindi pa naipapasa ang redistricting law na kailangan para sa kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM. Batay sa desisyon ng Korte Suprema noong Oktubre 13, dapat maisaayos ang parliamentary districts bago ang Oktubre 30, ngunit binigyan ng hanggang Nobyembre 30 ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) para maisumite ang batas. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, bawal na ang anumang pagbabago sa rehistro 120 araw bago ang halalan at nakadepende ang komisyon sa batas na ipapasa ng…
Read More