SANGGOL INIWAN SA KULUNGAN NG BABOY

CAMARINES SUR – Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Calabanga Municipal Police Station matapos madiskubre ang buhay na bagong silang na sanggol na babae sa Zone 2, Brgy. Salvacion Baybay, sa bayan ng Calabanga sa lalawigan pasado alas-2:00 ng hapon noong Linggo.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagresponde ang mga tauhan ng Calabanga Police Station matapos makatanggap ng ulat hinggil sa nadiskubreng sanggol na nakalagay sa isang palanggana sa likod ng kulungan ng baboy.

Dinala ng mga pulis ang sanggol sa Bicol Medical Center para masuri bago ini-refer sa Municipal Social Welfare and Development Office para sa pangangalaga at proteksyon.

Pinaigting naman ng pulisya ang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang magulang ng sanggol o sinomang may kinalaman sa pag-abandona, habang hinihikayat ang publiko na magbigay ng impormasyon sa kanilang himpilan.

(NILOU DEL CARMEN)

95

Related posts

Leave a Comment