CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa pamamaril sa isang 47-anyos na binatang negosyante sa labas ng kanyang bahay sa bayan ng Silang sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw. Isinugod sa Estrella Hospital ang biktimang si alyas “Martin”, negosyante, binata, ng Daang Batas. Brgy. Kalubkob Silang, Cavite subalit hindi na umabot nang buhay. Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa suspek. Ayon sa secretary ng biktima na si Analyna, nasa loob siya ng kanyang kuwarto nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok sa labas ng bahay bandang…
Read MoreDay: January 12, 2026
Survey sa flood scandal 12% NA LANG NANINIWALANG MAY MAPARURUSAHANG ‘BIG FISH’
BUMABA ang tiwala ng mga Pilipino na mapapanagot ang mga “big fish” na opisyal ng gobyerno na sangkot sa multi-billion flood control scandal, ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Pulse Asia na isinagawa noong huling bahagi ng 2025. Batay sa survey na inilabas nitong Lunes, 59 porsyento na lamang ng mga Pilipino ang naniniwalang maparurusahan ang mga tiwaling opisyal pagsapit ng Disyembre na malaking bagsak mula sa 71 porsiyento noong Setyembre. Kasabay nito, tumaas ang bilang ng mga naniniwalang hindi mapapanagot ang mga sangkot na opisyal mula 8 porsyento ay naging…
Read MoreJAY SONZA RERESBAKAN NG EX-SOLON SA FAKE NEWS
HINDI palalampasin ni dating congressman Joseph Stephen Paduano ang umano’y fake news na ipinost ni dating broadcaster Jay Sonza, na kumokondena kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng military operation laban sa NPA sa Oriental Mindoro kamakailan. “Hindi dapat isawalang-bahala ang mga ganitong uri ng panlilinlang. Kasalukuyan nating pinag-aaralan ang lahat ng maaaring legal na hakbang, kabilang ang pagsasampa ng kaso kung kinakailangan, upang papanagutin ang mga sangkot sa likod ng mga panlolokong ito,” ani Paduano. Sa post ni Sonza, ipinakita ang isang galit na larawan ni Paduano na…
Read MorePNP-HPG: 10 SASAKYAN PA NI ZALDY CO ISUKO
NANAWAGAN si PNP-Highway Patrol Group (HPG) Director PBGen. Hansel Marantan sa mga may hawak ng iba pang sasakyan ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co na kusang isuko ang mga ito. Ayon kay Marantan, 10 sasakyan pa ang patuloy na hinahanap ng mga awtoridad matapos makuha ang 16 na luxury vehicles sa isang condominium ni Co sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig. May dalawang sasakyan pa umanong naiwan sa condominium matapos hindi umandar, at kasalukuyang bantay-sarado ng mga awtoridad. Ang mga nakuhang sasakyan ay dinala na sa tanggapan…
Read MoreIMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL MESS, GINUGULO?
NAGTATAKA si Senate Blue Ribbon Committee chairman Panfilo Lacson kung bakit determinado sina Senador Imee Marcos at Senador Rodante Marcoleta na na guluhin ang pagdinig kaugnay sa iregularidad sa flood control projects. Sinabi ni Lacson na kwestyonable sa kanya kung ano ang end game ng dalawang senador kaya’t patuloy sa paggambala sa kanilang imbestigasyon. Tinuligsa rin ni Lacson ang anya’y walang basehang mga kritisismo ni Marcos laban sa Blue Ribbon Committee, kahit hindi naman ito dumalo sa alinman sa mga pagdinig na kanyang pinamunuan. Pinabulaanan niya ang pahayag ni Marcos…
Read MorePUGANTENG SOUTH KOREAN, INARESTO SA NAIA
ISANG puganteng South Korean national na pinaghahanap ng Interpol, ang inaresto ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon sa BI, Enero 11 nang arestuhin si Yun Daeyoung, 50, habang tinatangkang umalis sakay ng isang Vietnam Airlines flight patungong Hanoi. Sa isinagawang primary inspection, lumitaw ang isang Interpol hit sa sistema ng BI, dahilan upang agad siyang i-refer ng mga opisyal para sa secondary inspection. Kinumpirma ng BI-Interpol unit na si Yun ay may aktibong Interpol Red Notice. Agad siyang inaresto ng mga tauhan ng BI. Ayon…
Read MorePD NG NEG-OR PNP SIBAK SA PAMAMARIL NG PULIS SA 3 KABARO AT 1 BABAE
SINIBAK nitong Lunes si Negros Oriental Provincial Office Director, Police Col. Crescent Tiguelo. Ito ang inanunsyo ni PNP Public Information Office chief, PBGen. Randulph Tuano sa isinagawang press briefing nitong Lunes ng umaga. Ito ay kasunod ng insidente ng pamamaril ng isang police sergeant sa tatlo nitong kabaro kabilang ang hepe ng Sibulan Municipal Police Station, at isang babaeng sibilyan sa bayan ng Sibulan nitong Enero 9 ng gabi. Ginawa ang nasabing hakbang kasabay ng warning ni Acting PNP chief, PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa lahat ng unit…
Read More‘YORMILK’ IPINAMAHAGI NG MANILA LGU SA MGA BATA
PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang ceremonial na pamamahagi ng “Yormilk” sa mga batang Maynila sa Younger Street sa Barangay 137 sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng umaga. Sa pagpapakilala ni Manila Vice Mayor Chi Atienza sa alkalde, sinabi nito na malaki ang pasasalamat ng mga magulang dahil may isang gobyerno na sa Maynila na naka-alalay sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. “Bilang mga magulang, alam niyo na dapat nutritious ang iniinom at kinakain ng inyong mga anak,” ayon bise alkalde na binanggit din ang hirap ng mga magulang…
Read MorePAMUNUAN NG STO. NIÑO CHURCH KASADO NA SA KAPISTAHAN
HANDA na ang pamunuan ng Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo at Sto. Niño de Pandacan Parish para sa kapistahan ng Señor Santo Niño sa Enero 18. Sa nasabing kapistahan ay isasagawa ang 33 misa at gaganapin ang Lakbayaw Festival 2026 sa Tondo, Maynila sa Sabado, ganap na alas-7 ng umaga, na inaasahang dadaluhan ng libo-libong mga deboto. Nitong Lunes ay sinimulan na ang prusisyon ng replika ng Señor Sto. Niño sa Maynila na may iba’t ibang laki habang bitbit ng mga nakiisa at ang iba…
Read More