HANDA na ang pamunuan ng Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo at Sto. Niño de Pandacan Parish para sa kapistahan ng Señor Santo Niño sa Enero 18.
Sa nasabing kapistahan ay isasagawa ang 33 misa at gaganapin ang Lakbayaw Festival 2026 sa Tondo, Maynila sa Sabado, ganap na alas-7 ng umaga, na inaasahang dadaluhan ng libo-libong mga deboto.
Nitong Lunes ay sinimulan na ang prusisyon ng replika ng Señor Sto. Niño sa Maynila na may iba’t ibang laki habang bitbit ng mga nakiisa at ang iba naman ay nakasakay sa carosa.
Sa kasaysayan, napag-alaman na ikalawang pinakamatandang imahen ng Santo Niño sa Pilipinas ang imahen ng Señor Santo Niño de Tondo na dinala ng mga paring Agustino noong 1572, habang ang imahe ng Señor Santo Niño de Cebu ang pinakamatandang imahen ng Santo Niño sa bansa.
Katulad sa pagdiriwang ng katatapos lamang na kapistahan ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno, ang Manila Police District (MPD) ay nagsagawa rin ng paghahanda lalo na ang security plan para sa naturang kapistahan.
(JOCELYN DOMENDEN)
29
