DILG, BIZ GROUP ITINUTULAK DIGITAL BUSINESS PERMITS PARA BUHAYIN TURISMO

TUGMA sa panawagan ng malaking grupo ng mga negosyante ang isinusulong ng local government units (LGUs), sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na pabilisin ang mga proseso sa lokal na pamahalaan—kabilang ang digitalization at streamlining ng business permit processing—upang mapalakas ang turismo sa bansa. Naniniwala ang DILG at ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) na ang mas malawak na digitalization at pinasimpleng business permit processes ay magpapabilis ng operasyon ng mga negosyo at magpapalakas sa tourism-related enterprises. Una nang…

Read More

PAMANGKIN NI ROMAN ROMULO, AATRAS SA PULITIKA KAPAG MAY ANTI-DYNASTY LAW NA

UMANI ng papuri mula sa mga kapwa konsehal si Pasig City Councilor Simon Romulo Tantoco, pamangkin ni Pasig City Lone District Rep. Roman Romulo, matapos nitong ihayag na hindi siya tatakbo sa pulitika sakaling tuluyan nang maisabatas ang Anti-Dynasty Bill. Ito ay kasunod ng pagsusumite ni Councilor Volta delos Santos ng isang resolusyon at talumpati na humihimok sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso na madaliin ang pagpasa ng House Bill 6771 upang ganap na maging batas. “Ako ay related kay Congressman Roman Romulo by third degree. Kaya kung…

Read More

P42.6-M BENEPISYO NG 92 RETIRED PERSONNEL NG MANILA LGU MATATANGGAP NA

MATATANGGAP na ng 92 retiradong kawani ng Lungsod ng Maynila ang matagal na nilang naantalang benepisyo matapos ipag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang paglabas ng City Government sa P42.6 milyon. Sinabi ng alkalde, ang payout ay pagtupad sa pangakong linawin ang matagal nang mga obligasyon sa kabila ng mahigpit na kalagayang pinansyal ng lungsod. Kasama sa payout ang iba’t ibang halaga ng benepisyo base sa mga taon ng serbisyo at naipong mga karapatan, kung saan ang ilan sa mga retirado ay nakatanggap ng higit sa P2 milyon. Inihanda ng…

Read More

PBBM-ROMUALDEZ NAGKAROON NG KOMPRONTASYON SA NAIBULSANG PONDO – TIANGCO

NAGKAROON ng komprontasyon sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng kanyang pinsan na si Leyte Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez, kaugnay ng mga paratang na pagbulsa ng pondo ng bayan at paggamit nito para sa kanyang pet project, ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco. Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Tiangco na hinarap ni Marcos si Romualdez dahil sa umano’y paglipat ng unprogrammed funds sa mga proyektong pinaboran ni Romualdez at ng noo’y Ako Bicol Party-list Rep. na si Zaldy Co. “Ilang bahay ba ang……

Read More

P13.6-M SHABU NASABAT SA QUEZON MEMORIAL CIRCLE

NASA dalawang kilo ng crystal meth o shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang hinihinalang mga bigtime drug dealer sa inilunsad na anti-narcotics operation sa Quezon Memorial Circle, Brgy. Central, Quezon City noong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat na ibinahagi ni PDEA Public Information Office chief, Director Laurefel P. Gabales, bandang alas-9:00 ng gabi, naglunsad ng buy-bust operation ang PDEA Intelligence Service katuwang ang PDEA Regional Office–NCR at PNP-Drug Enforcement Group NCR. Dito na nasamsam ng mga awtoridad mula sa dalawang drug…

Read More

3 SUGATAN SA TUMAGILID NA TANKER TRUCK

TATLO ang sugatan matapos na tumagilid ang isang tanker truck na may kargang glucose na gagamitin sa paggawa ng mga kendi, sa Ramon Magsaysay Blvd. sa Maynila nitong madaling araw ng Martes, Enero 13. Ayon sa paunang imbestigasyon, ang truck ay papaliko sa kanan mula sa NLEX Connector patungo sa Ramon Magsaysay Blvd. bandang alas-3 ng madaling araw nang biglang tumagilid dahil umano sa pag-aalangan ng driver, dahilan upang mawalan ng balanse ang sasakyan. Tatlong indibidwal ang nakatanggap ng agarang tulong medikal mula sa mga responder ng Manila Disaster Risk…

Read More

PULIS SA P13-M POGO HEIST NANAKSAK NG KAPWA PULIS SA LOOB NG CAMP CRAME

INOOBSERBAHAN sa PNP General Hospital ang isang pulis dahil sa pagkawala ng dugo makaraang saksakin ng kapwa restricted police nitong Martes ng umaga. Ayon sa ulat, habang nag-aalmusal ang ilang personnel ay bigla na lamang bumunot ng kutsilyo si PSMS Michael Camillo at inundayan ng saksak si PEMS Eric Castro nang tinangkang pigilan ito sa loob ng Anti-Organized Crime Unit ng CIDG sa Camp Crame. Kaagad namang isinugod ang biktima sa Philippine National Police General Hospital sa loob ng Camp Crame. Sina Camillo at Castro ay kabilang sa mga sinibak…

Read More

Posibleng may buhay pa sa ilalim DEATH TOLL SA GUMUHONG TAMBAKAN NG BASURA: 11

UMAKYAT na sa 11 ang bilang ng mga nasawi sa pagguho ng Binaliw sanitary landfill sa Cebu City, ayon sa Philippine National Police–Police Regional Office Central Visayas (PRO-7) nitong Martes ng umaga. Ito ay makaraang mahukay mula sa guho ang tatlong bangkay ng mga babae. Batay sa datos ng PRO-7, nasa 25 katao pa ang pinaniniwalaang nasa ilalim ng gumuhong tambakan ng basura, habang 18 naman ang naiulat na nasugatan sa insidente. Ayon kay Cebu City Councilor David Tumulak, pinuno ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council, dalawang…

Read More

TUYO VENDOR SINAKSAK NG KAPITBAHAY SA ‘RIGHT OF WAY’

LUCENA CITY – Isinugod sa ospital ang isang 39-anyos na tindera ng tuyo matapos pagsasaksakin ng kapitbahay sa loob ng Dalahican Fish Port Complex sa Barangay Dalahican sa lungsod. Ayon sa ulat ng Lucena City Police, tinamaan ng mga saksak ang biktima sa balikat, braso, leeg, mukha, ulo at kanang bahagi ng tiyan. Batay sa paunang imbestigasyon, hinintay umano ng suspek ang biktima sa loob ng fish port at walang habas itong inundayan ng saksak habang nakaupo katabi ang ilang mga trabahador sa pantalan. Lumabas sa pagsisiyasat na ang motibo…

Read More