NAGSAGAWA ng surrender leaflet air drops ang mga tauhan ng Philippine Army 601st Infantry Brigade at Philippine Air Force (PAF) nitong nakalipas na Linggo sa Maguindanao del Sur, bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa loose firearms at violent extremism. Ayon kay Brig. Gen. Edgar Catu, 601st Brigade commander, ilang bundles ng leaflets, na nakasulat sa Maguindanao language, ang ibinagsak at pinalipad sa mga bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Shariff Aguak, Shariff Saydona Mustapha, Mamasapano at mga karatig na bayan. Naglalaman ito ng mensaheng halong Tagalog at Maguindanaon, na humihikayat…
Read MoreDay: January 19, 2026
LALAKI SINAKSAK SA ULO NG LIVE-IN PARTNER
LEYTE – Inoobserbahan sa pagamutan ang isang lalaki na sinaksak sa ulo ng kanyang live-in partner habang nasa gitna ng masayang inuman na nauwi sa pagseselos ng biktima sa kanilang bahay sa Sitio Taytay, Barangay Buenavista sa bayan ng Alangalang sa lalawigan. Ayon sa Alangalang MPS, nangyari ang pananaksak bandang alas-8:30 ng gabi noong Linggo sa biktimang kinilalang si alyas “Del,” laborer, habang nakikipag-inuman sa live-in partner na si alyas “Lani,” 36-anyos. Lumitaw sa paunang imbestigasyon, nagtalo ang dalawa nang magselos umano si Del sa isang alyas “Aljur” na hinihinalang…
Read MoreBINATA NALUNOD SA BIRTHDAY OUTING
LUCENA CITY – Makaraan ang halos isa at kalahating oras na search and rescue operation, natagpuan ang katawan ng isang 19-taong gulang na estudyante na nawala habang naliligo sa ilog sa kasagsagan ng birthday celebration sa lungsod noong Linggo, Enero 18. Kinilala ang biktima sa pangalang “Jericho”, estudyante at residente ng Barangay Ibabang Dupay, Lucena City. Batay sa ulat, nagtungo ang biktima at kanyang pamilya sa Dumacaa River sa Purok Ibaiw, Barangay Ilayang Dupay dakong alas-8 ng umaga upang ipagdiwang ang kaarawan ng tiyuhin. Bandang alas-10:30 ng umaga, habang naliligo…
Read MoreBANGKAY NG BABAE ITINAPON SA CALAX
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa natagpuang bangkay ng isang babae sa isang construction site sa CALAX Road sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Inilarawan ang babaeng biktima na tinatayang 40 hanggang 50-anyos, nakasuot ng pink na sando, light brown jacket, maong pants, pulang cap, at puting tsinelas. Ayon sa ulat, dakong alas-9:15 ng umaga nang natagpuan ang bangkay ng isang babae sa Sitio Kasuyan, KM21+780, Brgy. Batas, Silang Cavite. Ayon sa nakakitang security guard, nagdya-jogging siya sa nasabing lugar nang mapansin niya…
Read MorePNP: TETESTIGO SA ICC PROBE HINDI PIPILITIN, HINDI RIN PIPIGILAN
NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila pipilitin ngunit hindi rin pipigilan ang sinumang nagnanais na tumestigo sa isinasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng “war on drugs” ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ang pahayag ay kasunod ng panawagan ng ICC’s Office of the Prosecutor sa mga direct witnesses, kabilang ang mga kasapi ng PNP at iba pang law enforcement agencies, na may kaalaman sa mga kasong iniimbestigahan hinggil sa umano’y crimes against humanity mula Nobyembre 1, 2011 hanggang Marso 19, 2019. Ayon kay…
Read MoreTAGUIG POLICE MAY BAGONG HEPE
PINALITAN na si Col. Byron Allatog bilang hepe ng Taguig City Police matapos ang anim na buwang panunungkulan. Itinalaga sa puwesto si Col. Julius Añonuevo, dating Provincial Director ng Albay Police Provincial Office sa Bicol Region. Noong Enero 19, hinarap ni Añonuevo ang mga tauhan ng Taguig police force at binigyang-diin ang kahalagahan ng propesyonalismo, integridad, at pananagutan sa serbisyo. Si Añonuevo ay dati ring nagsilbi bilang kumander ng District Mobile Force Battalion ng Manila Police District at hepe ng Batangas City Police. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Allatog na…
Read More16-ANYOS SINAKSAK SA QC
NASUGATAN ang isang 16-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin sa isang parke sa Barangay Greater Lagro, Fairview, Quezon City noong Enero 17, ayon sa Quezon City Police District (QCPD). Batay sa ulat ng pulisya, inatake ang biktima ng isang grupo ng mga kabataang may conflict sa batas. Isang menor de edad na saksi ang positibong kumilala sa pangunahing suspek, at isang kaso na ang isinampa laban dito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang sangkot. Nasa stable na kondisyon na ang biktima at kasalukuyang ginagamot sa Tala Hospital sa…
Read MoreIMPEACHMENT PABOR KAY BBM
DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG totoong ang grupong sumusuporta kay Vice President Sara Duterte ang magsasampa ng impeachment case laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay bibigyan lang nila ng pabor ang huli. Sa set-up ngayon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, malabong mangyari na i-impeach ng mga kongresista si BBM dahil kontrolado ng Malacañang ang Kamara kahit hindi na speaker si Leyte Rep. Martin Romualdez. Ang tanging susuporta sa impeachment case laban kay BBM kung sakali, ay si Cavite Rep. Kiko Barzaga kung hindi siya matatanggal bilang congressman dahil…
Read MoreSa pagtanggi ng renewal of business permit BAGAC, BATAAN OFFICE OF THE MAYOR INIREKLAMO
NAGTATAKA si Amando Fajardo, Jr., may sapat na edad, may-asawa, residente ng 32 M. H. Del Pilar St., Brgy. Ibaba, Bagac, Bataan may-ari ng Fajardo Beach Resort, Brgy. Pag-asa, ng nasabing bayan kung hindi pinapayagan na mag-renew ng kanilang business permit . Sa panayam ng PUNA kay Ginoong Fajardo, hindi siya nakapag-renew nitong taong 2025, at 2026 kung kayat nagtataka siya kung bakit hindi siya binibigyan ng Business Permit para sa Fajardo Beach Resort ng nabanggit na barangay at nakaukupa na sila sa lupa noon pang 1989. Kaya simula 1989…
Read More