NASUGATAN ang isang 16-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin sa isang parke sa Barangay Greater Lagro, Fairview, Quezon City noong Enero 17, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).
Batay sa ulat ng pulisya, inatake ang biktima ng isang grupo ng mga kabataang may conflict sa batas. Isang menor de edad na saksi ang positibong kumilala sa pangunahing suspek, at isang kaso na ang isinampa laban dito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang sangkot.
Nasa stable na kondisyon na ang biktima at kasalukuyang ginagamot sa Tala Hospital sa Caloocan City.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang QCPD sa komunidad at mga kaugnay na ahensya upang mapalakas ang child protection at mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa mga barangay.
(PAOLO SANTOS)
67
