PINALITAN na si Col. Byron Allatog bilang hepe ng Taguig City Police matapos ang anim na buwang panunungkulan. Itinalaga sa puwesto si Col. Julius Añonuevo, dating Provincial Director ng Albay Police Provincial Office sa Bicol Region.
Noong Enero 19, hinarap ni Añonuevo ang mga tauhan ng Taguig police force at binigyang-diin ang kahalagahan ng propesyonalismo, integridad, at pananagutan sa serbisyo.
Si Añonuevo ay dati ring nagsilbi bilang kumander ng District Mobile Force Battalion ng Manila Police District at hepe ng Batangas City Police.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Allatog na naging karangalan ang kanyang panunungkulan bilang Officer-in-Charge ng Taguig City Police at pinasalamatan ang suporta ng lokal na pamahalaan at mga tauhan ng pulisya.
Pinuri naman ni Taguig City Mayor Lani Cayetano si Allatog sa kanyang pamumuno at dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.
(CHAI JULIAN)
127
