PANIBAGONG PLUNDER, GRAFT ISINAMPA LABAN KAY VP SARA

NAGHAIN ng kasong plunder at graft si dating senador Sonny Trillanes, kasama ang mga miyembro ng civil society group na The Silent Majority, laban kay Vice President Sara Duterte sa Office of the Ombudsman nitong Miyerkoles, Enero 21, 2026. Ayon sa reklamo, inaakusahan si Duterte ng malawakang maling paggamit ng pondo ng bayan kaugnay ng kanyang panunungkulan bilang Bise Presidente at bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd), gayundin noong siya ay alkalde ng Davao City. Kabilang dito ang kanyang P2.7 bilyon na confidential funds at ang pagtanggap umano niya…

Read More

NAGPARAMDAM NA? ZALDY CO MAY ‘SURRENDER FEELERS’ – DOJ

KINUMPIRMA ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na may mga umano’y “feelers” na ipinaaabot si dating AKO Bicol Party-list rep. Elizaldy “Zaldy” Co para makipagdayalogo sa pamahalaan. Ayon kay Remulla, ang mga pahiwatig ay dumaan sa ilang pari na personal niyang kakilala. Gayunman, nilinaw ng kalihim na hindi pa beripikado ang nasabing impormasyon. Sa kabila nito, iginiit ni Remulla na sineseryoso ng pamahalaan ang anomang indikasyon ng pakikipagdayalogo ng dating mambabatas. Si Co ay pinaghahanap ng mga awtoridad kaugnay ng umano’y P96.5 milyong maanomalyang flood control project sa…

Read More

BARZAGA SINAMPAHAN NG IKATLONG CYBER LIBEL

NAGHAIN ng reklamong cyber libel si 2nd District Representative Rolando Valeriano, kasama ang kanyang abogado, sa Office of the City Prosecutor laban kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kaugnay ng umano’y mapanirang pahayag nito sa social media. Tinanggap ang reklamo ni Senior Assistant City Prosecutor Cesar Ramon Margaret. Ang kaso ay kaugnay ng paratang ni Barzaga na umano’y binayaran ng National Unity Party (NUP) ang ilang mambabatas ng negosyanteng Enrique Razon upang suportahan si Cong. Martin Romualdez bilang House Speaker. Sa panayam ng Manila City Hall Press Club, iginiit…

Read More

ALLOWANCE NG SENIORS, PWDs, SOLO PARENTS SA MAYNILA INILABAS NA

INANUNSYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na maglalabas ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng kabuuang P476.488 milyon na allowance para sa senior citizens, solo parents, at persons with disabilities (PWDs) mula Enero 28 hanggang 30, 2026. Ayon kay Domagoso, sasaklawin ng payout ang mga hindi pa naibibigay na allowance mula Setyembre hanggang Disyembre 2025 para sa mga solo parent at PWD, at mula Oktubre hanggang Disyembre 2025 naman para sa mga senior citizen. Tinatayang aabot sa 282,040 benepisyaryo — kabilang ang mga senior citizen, solo parent, adult…

Read More

ROBINHOOD NG KALINGA PATAY SA SHOOTOUT

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang kumandidatong bise alkalde ng bayan ng Lubuagan, Kalinga na si Corey Dickpus, na kilala bilang “Robin Hood” ng Kalinga at mahigit dalawang dekada nang pinaghahanap ng mga awtoridad. Ayon sa Police Regional Office–Cordillera Administrative Region (PRO-CAR), nagsimula ang manhunt laban kay Dickpus noong 2001. Ito ay nagtapos sa isang engkuwentro matapos umanong makipagbarilan ang suspek sa mga tauhan ng Kalinga Provincial Police Office na nagsasagawa ng law enforcement operation sa Sitio Tocpao, Barangay Poblacion, bayan ng Lubuagan. Isinugod si Dickpus sa Kalinga…

Read More

UNDOCUMENTED FIREARMS, ISINUKO SA MILITAR

MAGUINDANAO DEL SUR – Walong iba’t ibang high-powered firearms ang isinurender sa Philippine Army-1st Mechanized Infantry Battalion (1MechBn), mula sa iba’t ibang barangay ng Datu Anggal Midtimbang (DAM) sa lalawigan, na bahagi ng tuloy-tuloy na kampanya ng Joint Task Force Central (JTFC) laban sa loose firearms. Ayon kay Lt. Col. William G. Sabado, ang Acting Commanding Officer ng 1MechBn, ang pagsuko ng mga baril ay naging matagumpay sa tulong ng mga lokal na opisyal at mga residente ng mga barangay sa nasabing bayan, bilang bahagi ng kanilang pagsuporta sa Small…

Read More

GOV’T EMPLOYEE NA NANAKIT NG KAPWA MOTORISTA, INISYUHAN NG SCO NG LTO

INISYUHAN ng Show Cause Order (SCO) ng Land Transportation Office (LTO) ang isang government employee kaugnay ng viral video kung saan makikitang nasangkot ito sa alitan at pananakit sa isang kapwa motorista. Ayon sa LTO, iniutos ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao ang agarang pag-isyu ng SCO matapos makilala ang lalaking sakay ng isang red plate government vehicle, na nanakit umano ng isang tricycle driver. Batay sa SCO, inaatasan ang nasabing empleyado at ang kinatawan ng ahensyang nagmamay-ari ng sasakyan, na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng…

Read More

KAMPO NI ATONG ANG NAGSUKO NG MGA BARIL

ISINUKO na ng kampo ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang kanyang mga baril sa Firearms and Explosives Office (FEO) ng Philippine National Police (PNP) matapos bawiin ang mga lisensya nito. Sa liham na may petsang Enero 20, 2026 na ipinadala kay PBGEN Jose DJ Manalad Jr., acting FEO chief, sinabi ng abogado ni Ang na si Atty. Gabriel Villareal na nai-turnover na ang mga armas ng kanyang kliyente sa Mandaluyong Police Station. Ang mga kopya ng naturang liham ay nakuha ng mga mamamahayag na sumusubaybay sa kaso. “Bilang tapat…

Read More

ALCANTARA INILIPAT NA SA DOJ CUSTODY, WPP NA HUMAWAK

OPISYAL nang inilipat mula sa Senado patungo sa Department of Justice (DOJ) ang kustodiya kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara. Kinumpirma ito ng DOJ matapos ang mahigit isang buwan mula nang ma-admit si Alcantara sa Witness Protection Program (WPP) kaugnay ng mga kasong isinampa sa umano’y maanomalyang flood control projects. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, nasa kustodiya na ng WPP si Alcantara simula nitong Miyerkules, Enero 21, 2026, matapos itong ilipat mula sa detention facility ng Senado. Pormal na…

Read More