NAGHAIN ng kasong plunder at graft si dating senador Sonny Trillanes, kasama ang mga miyembro ng civil society group na The Silent Majority, laban kay Vice President Sara Duterte sa Office of the Ombudsman nitong Miyerkoles, Enero 21, 2026.
Ayon sa reklamo, inaakusahan si Duterte ng malawakang maling paggamit ng pondo ng bayan kaugnay ng kanyang panunungkulan bilang Bise Presidente at bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd), gayundin noong siya ay alkalde ng Davao City.
Kabilang dito ang kanyang P2.7 bilyon na confidential funds at ang pagtanggap umano niya ng suhol sa mga drug lord.
Ayon kay Trillanes, layon ng ikalawang kasong plunder at graft na maipakita sa publiko ang umano’y tunay na imahe ni Duterte.
Sinabi naman ni Jocelyn Acosta, founder ng The Silent Majority, maihahalintulad ang naturang alegasyon sa mga maanomalyang flood control projects kaya’t nararapat lamang umano na bigyang-prayoridad ito ng Office of the Ombudsman.
(DANNY QUERUBIN)
49
