GOBYERNO NALAMPASAN 2025 JOB TARGETS

NALAMPASAN ng pamahalaan ang employment at poverty-reduction targets para sa 2025, kasabay ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palalimin ang reporma sa paggamit ng public funds, partikular sa flood control at climate resilience projects. Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, tinalakay ito sa 7th Economic and Development Council (EDC) meeting na pinangunahan ng Pangulo sa Malacañang. Bumaba ang unemployment rate sa 4.7% noong 2025 mula sa mas mataas na antas noong 2020, senyales ng mas matatag na labor market. “Ibig sabihin nito ay dumarami na ang mga…

Read More

DRAMA NG MGA DUTERTE SA ICC TAPOS NA – SOLON

“TAPOS na ang drama. Tuloy na ang kaso at paggulong ng hustisya”. Ito ang may halong pagbubunying pahayag ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima matapos magdesisyon ang International Criminal Court (ICC) na nasa maayos na kondisyon si dating pangulong Rodrigo Duterte para lumahok sa paunang paglilitis. Base sa mga report, itinakda na ng ICC ang pre-trial proceeding laban kay Duterte dahil sa kasong crimes against humanity sa Pebrero 23, matapos ang mahigit siyam na buwan na pagkabalam dahil sa drama umano ng kanyang kampo. Ayon sa dating…

Read More

FILIPINO MERCENARY NA NAPATAY SA UKRAINE BINEBERIPIKA NG DFA, AFP

KINUKUMPIRMA pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na isang Pilipino ang umano’y nasawi sa digmaan sa Ukraine habang nakikipaglaban sa panig ng Russian forces. Batay sa ulat ng Ukraine Military Intelligence (HUR), ang napatay ay kinilalang si John Patrick, na umano’y nasawi sa labanan sa Kramatorsk District, Donetsk Region. Ayon sa HUR, kabilang umano siya sa 9th Battalion, 283rd Regiment, 144th Motorized Rifle Division ng 20th Combined Arms Army ng Russia. Sinabi ng DFA na patuloy pa nilang inaalam ang lahat ng detalye at beripikasyon kaugnay sa…

Read More

MAS MALALIM NA REGIONAL COLLABORATION SA TURISMO ISINULONG

ISINUSULONG ng Pilipinas ang mas malalim na regional collaboration sa turismo sa 63rd ASEAN National Tourism Organizations (NTOs) Meeting na ginanap sa Cebu City noong Enero 26. Binibigyang-diin ng pulong ang pangangailangan ng mga bansang ASEAN na magkaisa bilang isang rehiyon sa halip na magtunggali bilang magkakahiwalay na destinasyon, bilang paghahanda para sa ASEAN Tourism Forum (ATF) 2026. Pinangunahan ni DOT Undersecretary Verna Buensuceso ang pulong, na dinaluhan ng mga opisyal ng turismo mula sa Timog-Silangang Asya, dialogue partners, at iba pang organisasyon. Binigyang-diin ni Buensuceso na ang kinabukasan ng…

Read More

YATE NASUNOG SA KARAGATAN NG TINGLOY, BATANGAS; 7 CREW LIGTAS

NASUNOG ang isang motor yacht habang nasa karagatan ng Tingloy, Batangas nitong Enero 27, dahilan upang agad rumesponde ang Philippine Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL). Ala-7:00 ng umaga nang makatanggap ng ulat ang CGDSTL mula sa Coast Guard Sea Marshal Unit–Southern Tagalog na sakay ng isang dumadaang passenger vessel, matapos mamataan ang makapal na usok at apoy mula sa Motor Yacht (M/Y) Allusive. Kaagad na ipinatupad ng CGDSTL ang mga emergency response procedures para tugunan ang insidente. Batay sa paunang impormasyon, ang M/Y Allusive, kasama ang convoy vessel nitong…

Read More

KELOT INASINTA SA DUYAN, PATAY

QUEZON – Patay ang 51-taong gulang na lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nakahiga sa duyan sa gilid ng kalsada sa Barangay Callejon, sa bayan ng San Antonio sa lalawigan noong Lunes ng tanghali, Enero 26, Sa isinagawang imbestigasyon ng San Antonio Municipal Police Station, bandang alas-11:20 ng umaga, ang biktimang kinilala sa pangalang “Mar” ay nakahiga sa duyan nang barilin ito ng isang lalaki at pagkaraan ay mabilis na tumakas. Isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit hindi umabot nang buhay. Inaalam pa ng mga awtoridad ang…

Read More

AWOL NA PULIS, 2 PA HULI SA PAGDUKOT SA NEGOSYANTE

ARESTADO ang tatlong suspek kabilang ang isang AWOL na pulis, habang nailigtas naman ang negosyante na kanilang dinukot. Ayon sa ulat ng Police Regional Office 3 na nakarating sa Camp Crame, noong Lunes ng hapon ay tinutukan ng tatlong suspek ang isang negosyante at dinukot sa Cabanatuan City, Nueva Ecija. Pagsapit sa kanyang bodega sa Barangay Kapitan Pepe ay tinangay ng mga ito ang pick-up truck. Dito na umano humingi ang mga suspek ng P5 milyong ransom kapalit ng kalayaan ng biktima. Habang papatakas ang mga suspek patungo sa direksyon…

Read More

PAGPROSESO NG BAGONG BUSINESS PERMIT SA MAYNILA, TUMAAS NG 40%

TUMAAS ng 40% ang pagproseso ng bagong business permits sa Maynila, kasabay ng malakas na renewal activity na indikasyon ng matatag na kalagayan ng negosyo sa lungsod. Iniulat ito ni Bureau of Permits Director Levi Facundo kay Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso. Hanggang Enero 25, 2026, nakaproseso ang lungsod ng 384 bagong business permits, mas mataas kumpara sa 176 noong kaparehong panahon noong nakaraang taon. Sa bilang na ito, 159 permits na ang bayad—kapantay na ng naitalang bayad noong nakaraang taon kahit mas marami ang aplikante ngayon. Samantala, umabot sa…

Read More

4-STAR RANK NI PNP ACTING CHIEF NARTATEZ, NAKADEPENDE SA SCHEDULE NI PBBM

NAKADEPENDE sa schedule ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggawad ng 4-star rank kay PNP Acting Chief PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. Ito ay kasunod ng optional retirement ni dating PNP Chief at ngayo’y MMDA General Manager Nicolas Torre III. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, iskedyul ng Pangulo ang hinihintay para sa paggagawad ng ranggo, na gaganapin umano sa Malacañang. Kapag naigawad ang 4-star rank, ganap nang magiging PNP Chief si Nartatez na nakatakdang magretiro sa Marso 19, 2027. (TOTO NABAJA) 6

Read More