QUEZON – Patay ang 51-taong gulang na lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nakahiga sa duyan sa gilid ng kalsada sa Barangay Callejon, sa bayan ng San Antonio sa lalawigan noong Lunes ng tanghali, Enero 26,
Sa isinagawang imbestigasyon ng San Antonio Municipal Police Station, bandang alas-11:20 ng umaga, ang biktimang kinilala sa pangalang “Mar” ay nakahiga sa duyan nang barilin ito ng isang lalaki at pagkaraan ay mabilis na tumakas.
Isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit hindi umabot nang buhay.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng suspek.
Ito ang ikalawang insidente ng pamamaril sa bayan ng San Antonio sa loob lamang ng ilang araw.
Noong Sabado ng gabi, Enero 24, isang 46-taong gulang na vendor ang nasawi matapos ratratin ng hindi nakikilalang suspek habang naglalakad sa national road sa Barangay San Jose.
Patuloy ang imbestigasyon ng San Antonio Police upang matukoy kung magkaugnay ang dalawang insidente at matukoy ang mga suspek.
(NILOU DEL CARMEN)
1
