“KAMBYO-KLIMA”

KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI PEBRERO na naman. Ito ‘yung tinatawag ng erpat ko na panahon ng “kambyo-klima”. May oras na malamig pero biglang kakambyo ng init. Kapag mahina ang katawan ay tiyak na magkakasakit – ubo, sipon, asthma, trangkaso etc. Mas lalong mahigpit ang pangangailangan ngayon na maging mas maingat at mapangalaga sa kalusugan lalo na ang mga katulad kong senior citizens. Kung kagaya kong deklaradong persona-non-kwarta, mas todo-todo ang pag-iingat. Mabuti at nakapagpaturok na kami ng aking esposa ng anti-pneumonia vacs pero expired na ang aming…

Read More

PNP, KAILANGAN NG MALAWAKANG PAGLILINIS

RAPIDO ni PATRICK TULFO MULI na namang umiinit ang mata ng madla sa mga kapulisan dahil sa kaliwa’t kanang kontrobersyang kinakasangkutan nito. Dalawang linggo na ang nakararaan nang maaresto ng Makati PNP ang 6 na pulis Maynila dahil sa umano’y sapilitang pagkuha ng pera at gamit ng mga madaraanan ng mga ito sa lungsod ng Makati. Wala umanong opisyal na koordinasyon sa Makati PNP kung anoman ang operasyon ng mga ito dahil hindi nila ito nasasakupan. Sinampahan na ang 6 na pulis ng kasong robbery. Nito ngang nakaraan lang ay…

Read More

Serbisyong may puhunan, ‘di puro pangako! SA GOBYERNONG WALANG TULUGAN, BILIS-KILOS SA KABUHAYAN

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA Sa panahong maraming Pilipino ang hirap bumangon mula sa sunod-sunod na dagok ng inflation, kawalan ng trabaho, at kakulangan sa oportunidad, may isang tanong na paulit-ulit na bumabalik: hanggang kailan aasa sa ayuda? Sa Maynila, tila malinaw ang sagot ng kasalukuyang administrasyon – hindi sapat ang tulong na panandalian; mas kailangan ang kakayahang tumayo sa sariling paa. Ito ang diwa ng kamakailang turnover ng TESDA livelihood toolkits na pinangunahan nina Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza sa Bulwagang Villegas. Hindi ito…

Read More

ANG PAMUMUNO NI CONG. PRESLEY DE JESUS SA LIWANAG NG PAGKAKAISA

TARGET ni KA REX CAYANONG MASASABING hindi lamang mga bulaklak at matatamis na salita ang tunay na diwa ng Pebrero. Sa mas malalim na pag-unawa, ito ay buwan ng malasakit—sa pamilya, sa kapwa, at higit sa lahat, sa komunidad na ating pinaglilingkuran. Ito ang mensaheng malinaw na inihahatid ni Hon. Presley De Jesus, Deputy Minority Leader at kinatawan ng PhilRECA Party-list. Sa kanyang Solidarity Message para sa Pebrero 2026, iginiit niya na ang pag-ibig ay hindi lang nadarama, ito ay isinasabuhay sa pamamagitan ng pagkilos at serbisyo. Sa panawagang makiisa…

Read More

PBBM DUMISTANSYA SA ‘NO WORK, NO PAY’ BILL NI SANDRO

NABIGLA umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukala ng anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na ipatupad ang “no work, no pay” scheme sa mga miyembro ng Kongreso. Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, inusisa nila ang Pangulo tungkol sa panukala at lumalabas na hindi pa ito napag-uusapan ng mag-ama. Sinabi umano ng Pangulo na trabaho ng Kongreso ang paggawa ng batas at hindi siya makikialam sa proseso. Susuriin lamang aniya niya ang panukala kung ito ay maisusumite na sa kanyang tanggapan. Gayunman, sinabi ng…

Read More

PAGPATAY SA MAG-INANG MOLLENIDO IDINEKLARANG CASE CLOSED NG DILG

ITINUTURING na “case closed” ang kaso ng pagpaslang sa isang policewoman at sa walong taong gulang nitong anak, ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla. Ito ay matapos maaresto ang ikaapat na suspek sa krimen. Nauna nang nadakip ang mag-asawang dating pulis at car agent na sina Christian Suarez Panganiban at Pia Panganiban, na itinuturong mastermind, kasama ang kanilang helper na si Gil Valdemoro Dy Jr., at kapatid ng dating pulis na si Maribel Suarez Panganiban. Batay sa imbestigasyon, huling nakita sina Police Senior Master Sgt. Diane Marie Mollenido at anak…

Read More

REGISTRATION VALIDITY SA BAGONG SASAKYAN GAGAWING 5-YEAR

INISYAL nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang gawing limang taon ang registration ng mga bagong sasakyan, mula sa kasalukuyang tatlong taon. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, naipakita ni Acting Transportation Secretary Jovanni Lopez ang mga benepisyo ng reporma. “Inisyal na naaprubahan po ito ng Pangulo at susundan ng mga memorandum na ihahanda ng DOTr,” ani Castro. Nauna nang inatasan ng Pangulo ang Department of Transportation na bigyang-prayoridad ang kapakanan ng mga mananakay, panatilihing malinis at maayos ang mga pasilidad, at tiyaking maaasahan at on-time…

Read More

OPLE DAY GINUNITA SA BULACAN

GINUNITA ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna nina Governor Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis C. Castro ang ika-99 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Blas F. Ople kasama ang pamilya nito sa ginanap na seremonya nitong Martes, Pebrero 3. May temang “Gat Blas F. Ople: Huwaran ng Pinanday na Isipan, Inspirasyon ng mga Kabataan”, sinimulan ang unang bahagi ng programa sa pag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Ople sa pangunguna nina Fernando at Castro kasama si Susanne Laurie Ople Osorio, ang apo ng tinaguriang bayani na siya ring…

Read More

4 CONVENIENCE STORES SA BATANGAS, QUEZON SUNOD-SUNOD HINOLDAP

APAT na sangay ng convenience store sa mga lalawigan ng Batangas at Quezon ang halos magkakasunod na hinoldap ng umano’y iisang pares ng riding-in-tandem, ayon sa pulisya. Unang nangyari ang insidente dakong alas-9:40 ng gabi noong Lunes sa isang sangay ng convenience store sa Barangay Inosluban, Lipa City kung saan tinangay ang tinatayang P20,000 cash. Sumunod dakong alas-10:00 ng gabi ay hinoldap ang isa pang sangay ng tindahan sa Barangay Banaybanay, Lipa City kung saan nakuha ang humigit-kumulang P50,000 cash at personal na gamit ng mga empleyado. Dakong alas-10:55 ng…

Read More