BARKO NASUNOG; 3 CREW SUGATAN, 92 PASAHERO NASAGIP

SURIGAO DEL NORTE – Tatlong crew ang sugatan habang 92 katao ang nailigtas nang masunog ang isang pampasaherong barko. Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG), mabilis silang tumugon sa nasunog na MV Maria Felisa na naglalayag mula Port of Benit, San Ricardo Southern Leyte patungong Lipata Port, Surigao City sa lalawigan. Dumanas ng minor injuries ang tatlong crew dahil sa first-degree burns. Dalawa rito ang parehong dinala sa Caraga Regional Hospital habang tumanggi namang magpa-ospital ang isa pa kaya binigyan na lamang ng first aid ng CDRRMO. Ayon sa PCG,…

Read More

10 LUXURY CARS NG DISCAYA ISASUBASTA NG BOC SA PEB. 11

MULING magsasagawa ng auction ang Bureau of Customs sa sampung luxury vehicles kabilang ang walong sasakyan ng pamilya Discaya sa Pebrero 11, 2026. Gaganapin ang subasta sa Situation Room sa Ground Floor ng OCOM Building sa Port Area, Maynila. Kabilang sa mga isusubastang sasakyan ang dalawang Bugatti Chiron at iba pang mamahaling sasakyan ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya. Pinayuhan ng BOC ang mga interesadong bidder na magparehistro sa pamamagitan ng link na inilathala sa opisyal na social media account ng ahensya. Matatandaang pitong luxury cars ng pamilya Discaya ang…

Read More

DSWD NAGBABALA SA MULING PAGLAGANAP NG PEKENG CASH AID

MULING nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa mga scammer na nagpapanggap na kinatawan ng ahensya at nag-aalok ng pekeng cash aid. Ayon sa DSWD, kumakalat ang mga mensaheng nangangako ng tulong pinansyal na nagkakahalaga mula ₱6,500 hanggang ₱8,500 kapalit ng personal na impormasyon. Karaniwang ipinapadala ang scam messages sa pamamagitan ng text at Facebook Messenger kung saan hinihingi ang buong pangalan, contact number, at address ng target na biktima. Sa ilang kaso, hinihingan pa umano ang mga biktima ng access sa kanilang GCash account na…

Read More

ISA PANG PINOY MERCENARY NABIHAG SA UKRAINE

SINISIKAP ngayon ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na mapauwi ang isang Pilipinong nahuli ng Ukrainian forces habang nakikipaglaban umano para sa Russian armed forces. Kinilala ang Pinoy bilang si Raymond Santos Gumangan na itinuturing na prisoner of war matapos mabihag sa Ukraine. Ayon sa DMW, hindi nakarehistro si Gumangan sa kanilang database at wala ring rekord sa OWWA kung paano ito nakarating sa Russia. Nakikipag-ugnayan na ang DMW sa Department of Foreign Affairs upang matukoy kung paano siya nakalabas ng bansa at kung…

Read More

LAMPAS SA TARGET: ADUANA NAKALIKOM NG P80.7-B KOLEKSYON NITONG ENERO

NALAGPASAN ng Bureau of Customs (BOC) ang itinakdang revenue target nito para sa Enero 2026 matapos makapagtala ng P80.744 bilyong koleksyon. Mas mataas ito ng P513 milyon kumpara sa target at katumbas ng 100.6 porsiyentong collection efficiency, ayon sa Aduana. Batay sa datos, mas mataas din ito ng 1.9 porsiyento o P1.49 bilyon kumpara sa P79.254 bilyong koleksyon noong Enero 2025. Ipinagmalaki ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na ang magandang performance ay resulta ng pinagsamang pagsisikap ng mga tauhan ng Aduana at mga stakeholder na sumusunod sa reporma ng ahensya.…

Read More