TINUKOY ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na dalawa umanong politiko ang hinihinalang financier ng malaking pabrika ng ilegal na sigarilyo na sinalakay sa Mexico, Pampanga. Bagama’t tumangging magbigay ng karagdagang detalye, tila nadulas ang kalihim matapos banggitin na mga kongresista ang kanyang tinutukoy. Isinagawa ang inspeksyon sa naturang pagawaan na pinaniniwalaang pinagmumulan ng mga smuggled na sigarilyong naibebenta hanggang sa mga sari-sari store. Bukod sa dalawang politiko, iniimbestigahan din ang apat na incorporators ng kumpanyang Samyoung Global na umuupa ng lupa sa Barangay…
Read MoreDay: February 5, 2026
KAGAWAD TIMBOG SA ILEGAL NA DROGA
QUEZON – Arestado ang isang barangay kagawad na itinuturing na high value individual ng pulisya, matapos hainan ng search warrant kaugnay ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa kanyang bahay sa bayan ng Macalelon sa lalawigan noong Miyerkoles, Pebrero 4. Ayon sa mga pulis, ang suspek ay isang 40 taong gulang na residente at kasalukuyang kagawad ng Barangay Luctob. Nabatid mula sa Macalelon Municipal Police Station, isinagawa ang operasyon bandang alas-6:38 ng umaga sa bisa ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court…
Read MoreDAMBUHALANG OARFISH LUMUTANG SA QUEZON
QUEZON – Isang wala nang buhay na dambuhalang oarfish ang natagpuang palutang-lutang sa Guinayangan Municipal Fish Port sa bayan ng Guinayangan sa lalawigan dakong alas-7:30 ng umaga noong Miyerkoles, Pebrero 4, Natuklasan ito ng isang mangingisda na agad namang nag-ulat sa Coast Guard Sub-Station Guinayangan. Mabilis namang nagresponde ang Municipal Agriculturist at ang mga Fishery Technician upang magsagawa ng pagsusuri. Ayon sa isinagawang pagsukat, ang oarfish ay may habang 3.59 metro, lapad na 0.70 metro, at may timbang na 22 kilo. Kinikilala ang nasabing isda bilang isang deep-sea species na…
Read MoreNON-STOP OVERSEAS EMPLOYMENT AGENCY TINATAWAGAN NG PANSIN
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP HUMIHINGI ng agarang tulong at atensyon ang isang overseas Filipino worker (OFW) na si Narbasa Rame Bael, isang domestic worker na kasalukuyang nagtatrabaho sa Saudi Arabia, matapos isiwalat ang umano’y matinding pisikal na pang-aabuso, labis na trabaho, kakulangan sa pagkain, at kawalan ng pahinga na kanyang nararanasan mula sa kanyang amo. Si Narbasa, na inaasahang breadwinner ng kanyang pamilya sa Lanao del Norte, ay naka-deploy sa pamamagitan ng Non-Stop Overseas Employment Corp. bilang lokal na ahensya, at ng Snood Recruitment Company bilang foreign…
Read MoreDALAWANG BERSIYON SA NAUDLOT NA KUDETA SA SENADO
RAPIDO ni PATRICK TULFO NAGKAROON ng panandaliang kudeta kahapon sa Senado at naupo saglit bilang Senate President si Sen. Loren Legarda. Ayon sa ating source, nag-ugat ito sa ilalabas na report ng Blue Ribbon Committee na may kinalaman sa anomalya sa flood control kung saan dawit ang tatlo nilang kasamahan. Humingi raw ng tulong ang tatlo sa mga kasamahan dahil masyado naman daw nadikdik ang mga ito sa naturang committee report na ilalabas pa lang. May dalawang bersiyon ang nangyaring kudeta kahapon, ang isa ay nilapitan daw ng minorya si…
Read MorePAGDIRIWANG NG IKA-16 CITYHOOD ANNIV NG BIÑAN, DINALUHAN NI DATING REP. LEN ALONTE
TARGET ni KA REX CAYANONG MALINAW na ang pagdiriwang ng Araw ng Biñan at ika-16 na Cityhood Anniversary ay hindi lang basta selebrasyon kundi isa itong paalala kung gaano na kalayo ang narating ng lungsod at kung gaano pa kalayo ang maaari nitong marating. Mula sa banal na misa hanggang sa makulay na Opening Ceremony at Grand People’s Parade, ramdam ang saya, pagkakaisa, at pagmamalaki ng bawat Biñanense sa kanilang pinanggalingan at kinabukasan. Ang parada at mga aktibidad ay naging buhay na patunay na ang kultura, kasaysayan, at sipag ng…
Read MoreLEGARDA HIHIRANGIN FIRST FEMALE SENATE PREXY
KINUMPIRMA ni Senate President Vicente Tito Sotto III na hihirangin nila bilang first female Senate President si Senador Loren Legarda. Kasabay nito, nilinaw ni Sotto ang isyu ng term sharing sa pagitan nilang dalawa ni Legarda. Sinabi ni Sotto na hindi naman totally term sharing ang mangyayari dahil ang plano nilang gawin ay iluklok si Legarda sa huling dalawa hanggang tatlong buwan ng huling bahagi ng termino nito sa 2028. Kasabay nito, inamin ni Sotto na may mga concerns na inilatag ang ilan nilang mga miyembro na nais ding mapagtuunan…
Read More106 CONGRESSMEN KAILANGAN PARA MA-IMPEACH SI MARCOS
BAGAMA’T idineklara ng House Committee on Justice na hindi sufficient in substance ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., maaari pa umano itong mabaliktad sa pamamagitan ng boto ng isang-katlo o 106 na kongresista. Dahil dito, umapela ang isa sa mga complainant sa ikalawang impeachment complaint na si dating Cong. Neri Colmenares sa mga mambabatas na isantabi ang kanilang political alliances at payagan ang impeachment trial laban sa Pangulo. “We ask members of Congress to abandon this kind of interpretation, and allow ordinary citizens the opportunity…
Read MoreLEVISTE NAGHIHINTAY NG TAMANG PANAHON PARA ILABAS EBIDENSIYA SA KICKBACKS SA DPWH PROJECTS
“LALABAS ang ebidensiya ng kickbacks sa tamang panahon.” Ito ang pahayag ni Batangas Rep. Leandro Leviste kahapon, tatlong araw bago magsimula ang kanyang anim na buwang bakasyon sa Pebrero 8, kung saan bibisita siya sa halos 26 bansa, kabilang ang Netherlands at Portugal. Ayon kay Leviste, hindi niya umano nais mag-abroad ngunit humingi siya ng pahintulot sa Kongreso matapos umanong pakiusapan ang kanyang ina ng ilang kinatawan ng administrasyon na pansamantalang umalis ng bansa sa halip na agad ilabas ang hawak niyang ebidensiya kaugnay ng umano’y maanomalyang DPWH projects. “Hindi…
Read More