LEGARDA HIHIRANGIN FIRST FEMALE SENATE PREXY

KINUMPIRMA ni Senate President Vicente Tito Sotto III na hihirangin nila bilang first female Senate President si Senador Loren Legarda.

Kasabay nito, nilinaw ni Sotto ang isyu ng term sharing sa pagitan nilang dalawa ni Legarda.

Sinabi ni Sotto na hindi naman totally term sharing ang mangyayari dahil ang plano nilang gawin ay iluklok si Legarda sa huling dalawa hanggang tatlong buwan ng huling bahagi ng termino nito sa 2028.

Kasabay nito, inamin ni Sotto na may mga concerns na inilatag ang ilan nilang mga miyembro na nais ding mapagtuunan ng atensyon.

Ipinagmalaki naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Migz Zubiri na nananatiling matatag, nagkakaisa at hindi natitinag ang majority bloc sa Senado sa ilalim ng pamumuno ni Sotto.
Ito ay matapos mapigilan nila ang pagtatangkang kudeta laban kay Sotto.

Iginiit ni Zubiri na mas naging solido at inilarawan bilang big happy family ang majority sa ngayon.

Sinabi ni Zubiri na makabubuting muling ipokus ng Senado ang panahon at pag-uusap sa kanilang trabaho partikular sa pagsusulong sa mga priority measure na makatutulong sa sambayanang Pilipino.

(DANG SAMSON-GARCIA)

44

Related posts

Leave a Comment