ICI HAHAYAANG KUSANG TUMIKLOP

IPINAUBAYA na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) ang magiging kapalaran at susunod na hakbang ng komisyon. Nauna nang sinabi ng Pangulo na malapit nang matapos ang mandato ng ICI matapos nitong imbestigahan ang mga kwestiyonableng flood management projects. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hinihintay pa ng Pangulo ang pinal na ulat ng komisyon at wala pang itinakdang deadline para sa pagsusumite nito. “Kung ano ang magiging desisyon ng ICI, iyon ang maaaring maging tugon ng Pangulo.…

Read More

ASEAN VENUES WALANG NILABAG NA PROTOCOL—MALAKANYANG

IGINIIT ng Malakanyang na walang nilabag na protocol sa pagpili ng venue para sa pagho-host ng Pilipinas ng ASEAN-related events. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, malinaw na “no breach of protocol” ang paggamit ng hotel-casino bilang venue ng international summits dahil hindi naman ito ginamit para sa pagsusugal. Ito ay kasunod ng mga puna ng ilang observers kaugnay sa ASEAN Ministers’ Meeting sa Cebu na ginanap sa isang hotel-casino, na sinabing maaaring hindi angkop para sa Muslim delegates. “Wala pong dapat iwasto…

Read More

FULL DISCLOSURE HIRIT SA NAG-LEAK NA BRC REPORT SA FLOOD CONTROL SCANDAL

NAGHAIN si Atty. Eldrige Marvin B. Aceron ng Petition for Full Disclosure ng Draft Committee Report ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa imbestigasyon sa flood control projects, alinsunod sa karapatan ng sambayanang Pilipino sa impormasyon ukol sa mga bagay na may pampublikong interes sa ilalim ng Article III, Section 7 ng Saligang Batas. Inihain ni Aceron ang petisyon matapos ilabas ng ilang media outlet ang mga detalye ng nag-leak na draft report noong gabi ng Pebrero 3, 2026, kung saan nabatid na inirekomenda ng Blue Ribbon Committee, na pinamumunuan…

Read More

HINDI SUKATAN NG HUSAY ANG PAGIGING “TERROR”

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAY napanood akong video ng isang guro na todo ang pagpiga sa mga estudyante habang nagtatanggol ng kanilang research. Hindi para linawin ang sagot ng mga tanong kundi para ipitin. May halong yabang ang tono, na para bang ipinagmamalaki ang kaba ng kausap. May salitang madalas ikabit sa ganitong uri ng guro: terror. Hindi iyon dapat ipinagmamalaki. Kapag takot ang ginagamit na paraan ng pagtuturo, hindi na iyon disiplina. Pananakot na iyon. Kinasusuklaman ko ang mga gurong ipinagmamalaki na terror sila. Madalas nilang sabihin…

Read More

MAS GAGANDA ANG EKONOMIYA KUNG MAI-IMPEACH SI BBM

PUNA ni JOEL O. AMONGO MAS nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa ang kawalan ng tiwala ng mga Pilipino at mamumuhunan sa kasalukuyang administrasyon dahil sa matinding korupsyon ngayon na kinasasangkutan ng mga opisyal ng pamahalaan at ilang mambabatas. Trilyong pisong pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula taong 2023, 2024 at 2025 sa ilalim ng BBM admin, ang hindi maipaliwanag kung paano nila ito ginamit. Kung nagamit nang tama ang perang ito partikular sa paggawa ng mga silid-aralan sa buong bansa, marami sanang mga batang mag-aaral ang…

Read More

VITALY ZDOROVETSKIY: INGAY PARA SA KLIK, HINDI PARA SA KATOTOHANAN

BISTADOR ni RUDY SIM ANG pinakahuling posts ng Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy matapos ang kanyang deportasyon, ay malinaw na hindi paghahanap ng katarungan kundi paglikha lamang ng walang saysay na ingay. Sa halip na akuin ang pananagutan sa sariling masamang asal—na nagbunsod sa deklarasyon sa kanya bilang undesirable alien—mas pinili niyang maglatag ng mga paratang laban sa Bureau of Immigration (BI) detention center at mga opisyal nito, nang walang ebidensya at walang balanseng konteksto. Ang ganitong istilo ay hindi na bago. Ang kanyang mga pahayag ay mapanira, mapang-insulto,…

Read More

MAS MAHAL MAMASYAL SA ‘PINAS

DPA ni BERNARD TAGUINOD IMBES na kontrahin ng gobyerno ang mga reklamo ng ating mga kababayan na masyadong mahal at mahirap puntahan ang mga tourist destination sa sariling bayan ay dapat pagsikapang ayusin ang kanilang trabaho lalo na ang Department of Tourism (DOT). Sa totoo lang, ang daming Pilipino ang umaalis araw-araw para maging turista sa ibang bansa at kung tatanungin mo sila kung nakapunta na ba sila sa mga tourist destination sa Pilipinas, marami sa kanila ang nagsasabing hindi pa. Isa sa mga dahilan kung bakit nawawalan ng gana…

Read More