KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na submitted for resolution na ang reklamong plunder at graft laban kina Senador Jinggoy Estrada, dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan at iba pang sangkot. Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez, natapos na ang pagsusumite ng counter-affidavit ng lahat ng respondents sa reklamo. Kabilang sa mga naghain ng kanilang kontra-salaysay sina dating Public Works officials at state witnesses na sina Roberto Bernardo, Gerard Opulencia, Henry Alcantara at iba pa. Nauna nang naghain si Estrada ng kanyang counter-affidavit sa prosekusyon…
Read MoreDay: March 14, 2026
‘MALETA DELIVERY’ PANAHON PA NI DUTERTE — OMBUDSMAN REMULLA
IBINUNYAG ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na nagsimula pa noong administrasyon ni Rodrigo Duterte ang sinasabing “maleta delivery” ng pera sa ilang opisyal ng pamahalaan—at hindi umano ito nag-ugat sa panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Sa pulong balitaan, sinabi ng Ombudsman na nakatanggap siya ng intelligence report mula sa isang mapagkakatiwalaang source na naglalaman ng impormasyon kaugnay sa isyu. Ayon kay Remulla, isa sa mga larawang nakapaloob sa joint affidavit ng nagpakilalang 18 dating sundalo ay kuha pa umano noong panahon ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.…
Read MoreFRASCO OUT NA SA DOT
WALA na sa puwesto si Christina Garcia Frasco bilang Kalihim ng Department of Tourism (DoT) matapos siyang italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang Presidential Adviser for Sustainable and Resilient Communities. Ayon sa Malacañang, itinalaga si Frasco sa bagong posisyon upang tumulong sa pagpapalakas ng implementasyon at pagpapatuloy ng mga priority national initiatives sa antas ng komunidad. Ito ay kasunod ng pagharap ng maraming lugar sa bansa sa tumataas na climate-related hazards at disruptions na nakaaapekto sa lokal na ekonomiya at kabuhayan. Sinabi ni Claire Castro, Undersecretary ng Presidential Communications…
Read MoreBRILLIANT SKIN ESSENTIALS NI MISS GLENDA KINILALA BILANG 2025 TOP EMPLOYER OF THE YEAR NG MORONG, RIZAL
HINIRANG ang Brilliant Skin Essentials Inc., na pagmamay-ari ng skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, na mas kilala bilang “Miss Glenda,” bilang 2025 Top Employer of the Year ng Munisipyo ng Morong, Rizal. Tinanggap ni Miss Glenda ang plake ng pagkilala na pirmado ni Mayor Sidney B. Soriano noong Marso 13 sa isang seremonya na ginanap sa Comandancia Building sa Morong. Bukod sa parangal na ito, kinilala rin ang Brilliant Skin Essentials Inc. bilang Top 3 Outstanding Business Taxpayer of the Year at Top 4 Highest Real…
Read More₱12-B PEKENG U.S. CURRENCY NASAMSAM; SUSPEK ARESTADO SA PASAY
ARESTADO ang isang indibidwal matapos masamsam ang tinatayang ₱12 bilyong halaga ng pekeng U.S. currency at Treasury instruments sa operasyon ng National Bureau of Investigation – Criminal Intelligence Division sa Pasay City. Ayon sa NBI, nabisto ang suspek matapos ang serye ng surveillance at undercover buy-bust operations kung saan nakabili ang mga operatiba ng tatlong bundle ng pekeng U.S. dollars. Isinagawa ang huling transaksyon sa isang mall sa Pasay City kung saan naaresto ang suspek in flagrante delicto matapos tanggapin ang marked money. Sa operasyon, tumulong din ang mga technical…
Read More₱95-M SHABU NASABAT SA LIPATA PORT; 23-ANYOS NA DRUG COURIER ARESTADO
NASABAT ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang ₱95.2 milyong halaga ng shabu at naaresto ang isang 23-anyos na drug courier sa isang operasyon sa Lipata Port, madaling araw ng Marso 14. Ang operasyon ay pinangunahan ng PDEA Regional Office 13 sa ilalim ni Regional Director Laurefel P. Gabales. Ayon sa ulat, bandang 4:45 ng umaga nang isagawa ng Seaport Interdiction Unit–Surigao ang operasyon matapos makumpirma ang natanggap na intelligence report. Narekober mula sa suspek ang 14 na pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat…
Read MoreLALAKI, HINOLDAP NG 6 RIDER NA MAGKAKAANGKAS SA 3 MOTOR SA CAVITE
TINUTUGIS ngayon ng pulisya ang anim na lalaki na magkakaangkas sa tatlong motorsiklo matapos holdapin ang isang naglalakad na lalaki at tangayin ang kwintas nito sa Imus City, Cavite. Ayon sa ulat, bandang 6:20 ng gabi kamakalawa nang mangyari ang insidente habang naglalakad ang biktima patungo sa M.O. Rieta Wet and Dry Market upang bumili ng softdrinks. Bigla umanong dumating ang mga suspek na sakay ng tatlong motorsiklo—dalawang Yamaha Nmax at isang Honda ADV—at armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at agad nagdeklara ng holdap. Tinangay ng…
Read More