EPEKTO NG PAGTANGGAL NG BUWIS SA PETROLYO, AYON KAY SEN. LACSON

RAPIDO ni PATRICK TULFO NAGBABALA si Sen. Ping Lacson na maaaring tamaan ang ekonomiya kung tatanggalin ang excise tax at maging ang e-vat sa mga produktong petrolyo. Ayon sa senador, mawawalan ng P200 bilyon ang gobyerno kapag sinuspinde ang excise tax at maaaring umabot sa P320 bilyong piso kung isasama ang e-vat. Sinabi pa nito na hindi simpleng desisyon ang pagtanggal ng mga buwis sa mga produktong petrolyo at kinakailangan pa ng mas malalim na pag-aaral. Dahil kung ang layunin lang daw ng gobyerno ay gamitin ang isyu upang makakuha…

Read More

BANTANG PAGKASO KAY ESCUDERO, KWESTYONABLE?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO INIHAYAG nitong Lunes ni Ombudsman Boying Remulla na naghahanda ang kanilang opisina ng mga kasong isasampa laban sa mga umano’y sangkot sa anomalya sa national budget. Naghahanda pa lang, ibig sabihin, wala pa. Kaya naman hindi maiwasang kwestyunin ang timing niya sa paglalantad ng mga pangalan dahil wala pa namang aktwal na pagsasampa ng kaso. Karaniwan kasi, kung talagang may matibay na ebidensya, diretso na ‘yan sa korte. Pero sa nangyari, presscon muna bago ang kaso na ang sabi ay posibleng sa Mayo pa maisampa. May…

Read More

NANG IKAW, YORME ISKO AY DUMATING; AT BOC: BAGONG MUKHA NG TAPAT AT MATATAG NA SERBISYO

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA DATI ay lugmok ka, mahal kong Maynila, Dugyot ang paligid, marumi sa dami ng yagit; Maraming salamat, Yorme Isko, ikaw ay dumating. O, Maynila kong mahal, bumalik ang sigla at ningning. Winalis, nilinis mo ang duming nagdikit sa kalye, Umilaw sa ganda, pasyalan, maayos na parke. Nang ikaw ay dumating, o, ano’ng kaysaya namin. Nawala ang takot, napanatag kami, ‘pagkat dumating kang parang himala! Gamot, ospital, ayuda, panligtas ng buhay, laging handa, Pati hanapbuhay ‘yung binigay; mahusay na edukasyon at pabahay, O, sana sa…

Read More

7 LAPTOP COMPUTERS NG SCHOOL TINANGAY, 4 ARESTADO

ARESTADO ang tatlong kalalakihan kabilang ang dalawang menor de edad na tumangay ng pitong computer laptops sa isang pampublikong eskwelahan sa Cavite City noong Lunes ng gabi. Hawak ngayon ng Cavite City Component Police Station ang mga suspek na sina alyas “Dave”, “Rider” at dalawang menor de edad. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga miyembro ng Philippine Navy sa loob ng kampo nang namataan nila ang mga suspek na umaakyat sa bakod ng Sangley Point National High School sa Naval Base Heracleo Alano, Sangley Point, San Antonio, Cavite…

Read More

Sa physical contact, verbal abuse BATANGAS POLICE DIRECTOR KINASUHAN NG LADY COP

PERONAL na naghain ng pormal na reklamo sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang isang babaeng pulis laban sa Police Provincial Director ng Batangas, dahil sa umano’y grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer. Ayon sa isinumite nitong sworn affidavit, detalyado nitong inilatag ang sunod-sunod na insidente na naganap mula Pebrero hanggang Marso 2026, kabilang ang hindi kanais-nais na physical contact, mga ‘di angkop na salita, at mga aksiyong nagdulot ng stress sa nagreklamo, na nangyari sa loob mismo ng police premises at sa trabaho. Aniya, ginamit umano ng…

Read More

MAHIGIT 100 TAUHAN NG PUERTO PRINCESA POLICE, SINIBAK

SINIBAK sa pwesto ang 102 tauhan ng Puerto Princesa City Police Station kasunod ng Black Friday shooting incident. Ito ay upang bigyan daan ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nangyaring pamamaril noong Abril 3, na ikinamatay ng dalawang pulis at isang BuCor Personnel. Ayon kay Police Regional Office Mimaropa Regional Director BGen. Jovencio Badua Jr., inilagay sa administrative relief ang nasabing mga pulis. Sinabi ni Badua, ang nasabing hakbang ay upang upang matiyak ang patas na imbestigasyon at maalis ang agam-agam ng publiko ukol sa posibleng pagtatakip ng ebidensya o lapses…

Read More

PBBM NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY SA PAMILYA NG PINAY NA NASAWI SA MISSILE ATTACK SA ISRAEL

NAGPAABOT ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng isang Pilipinang nasawi sa missile attack sa Haifa noong Linggo ng gabi, Abril 5. “Kasama nating nagluluksa ang kanyang pamilya sa gitna ng isang trahedyang hindi dapat maranasan ninuman,” pahayag ng Pangulo. Ayon kay Marcos, inatasan na niya ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na magbigay ng buong tulong sa pamilya ng biktima at tiyakin ang agarang repatriation ng labi nito. Hindi pinangalanan ang biktima alinsunod sa hiling ng pamilya na mabigyan sila ng pribadong panahon ng pagdadalamhati, ayon…

Read More

AGARANG TULONG SA MGA BIKTIMA NG PANIBAGONG LINDOL SA CEBU, PINASISIGURO

UMAPELA si Senador Sherwin Gatchalian ng agarang tulong para sa mga residenteng naapektuhan ng malakas na lindol sa Bogo City at mga karatig na lugar sa Cebu. Ayon kay Gatchalian, nakalulungkot na muling tinamaan ng lindol ang lalawigan na una na ring nakaranas ng malakas na pagyanig noong nakaraang taon. Dahil dito, iginiit niya ang pangangailangan ng mabilis at epektibong aksyon mula sa pamahalaan. Hinimok ng senador ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, katuwang ang mga lokal na pamahalaan, na agad magsagawa ng masusing assessment sa…

Read More

PCO DUMULOG SA DOJ LABAN SA UMANO’Y NAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS

DUMULOG sa Department of Justice si acting Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez upang paimbestigahan ang umano’y nasa likod ng Facebook page na “Malasakit News Pilipinas” na nagpapakalat ng maling impormasyon. Tinukoy ni Gomez ang isang post na nagsasabing magkakaroon umano ng “energy lockdown” o kakulangan sa suplay ng langis sa bansa—isang pahayag na aniya’y maaaring magdulot ng labis na pangamba sa publiko. Ayon sa kalihim, ang ganitong uri ng pekeng balita ay posibleng mag-udyok ng panic buying at hoarding ng mga produktong petrolyo. Dagdag pa niya, may ilang indibidwal…

Read More