ARESTADO ang tatlong kalalakihan kabilang ang dalawang menor de edad na tumangay ng pitong computer laptops sa isang pampublikong eskwelahan sa Cavite City noong Lunes ng gabi.
Hawak ngayon ng Cavite City Component Police Station ang mga suspek na sina alyas “Dave”, “Rider” at dalawang menor de edad.
Ayon sa ulat, nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga miyembro ng Philippine Navy sa loob ng kampo nang namataan nila ang mga suspek na umaakyat sa bakod ng Sangley Point National High School sa Naval Base Heracleo Alano, Sangley Point, San Antonio, Cavite City bandang alas-6:00 ng gabi.
Inaresto nila ang mga suspek at nakipag-ugnayan sa principal ng eskuwelahan kung saan nalaman na pinasok ng mga ito ang ICT Laboratory ng eskwelahan at nawawala ang pitong unit ng Coby computer laptops na nagkakahalaga ng P350,000.00.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbentaryo ang eskwelahan upang mabatid kung may iba pang mga nawawala.
Ang dalawang suspek ay nasa kustodiya na ng Cavite City CPS habang ang dalawang menor de edad ay dinala sa City Social Welfare and Development (CSWD).
(SIGFRED ADSUARA)
102 