SENATOR DELA ROSA: ‘ABSENERO NG TAON’

GAYA ng inaasahan, nanguna sa mga senador na may pinakamaraming absent sa First Regular Session ng 20th Congress si Senador Ronald Bato dela Rosa. Sa official records ng Senado, sa loob ng 58 session days, 31 ang naitalang absent ni dela Rosa na nagsimulang hindi pumasok noong November 2025. Pumapangalawa sa may pinakamaraming absent at late sa session ay si Senate Minority leader Alan Peter Cayetano na 14 na beses na hindi nakapasok sa session at 24 na beses late. Sumunod naman si Senador Camille Villar na may 16 na…

Read More

“DIYOS ANG PAG-ASA” — CAYETANO SA GITNA NG KRISIS

NANINIWALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na sa kabila ng kinahaharap na problema sa ekonomiya at pulitika, may pag-asa pa rin ang Pilipinas sa tulong ng Diyos. Sa isang Facebook Live nitong Abril 7, ibinahagi ni Cayetano ang kanyang “3Ps framework” — purpose, potential, at power — bilang gabay sa pagharap sa hamon ng buhay. “Sobrang daming pagsubok… but remember that God always gives hope, always gives an answer,” ani Cayetano. Ayon sa senador, maaaring gamitin ng Diyos ang Pilipinas bilang instrumento ng pagpapala o ang ibang bansa…

Read More

P53-M SMUGGLED PHARMACEUTICAL PRODUCTS, IBA PA NASABAT NG BOC

TINATAYANG aabot sa P53 milyong halaga ng umano’y counterfeit pharmaceutical products at iba pang puslit na mga kalakal, ang nasabat ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang anti-smuggling operation sa Manila International Container Port (MICP) noong Martes. Mismong si Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang nanguna sa isinagawang inspeksyon sa nasabat na pharmaceutical products alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. na palakasin ang seguridad sa mga hangganan ng bansa kontra smuggling. Ayon sa ulat, nagmula sa China ang shipment na unang idineklarang naglalaman ng…

Read More

PUBLIC SCHOOL NINAKAWAN

ARESTADO ang isang lalaki habang pinaghahanap ang kasama nito na mga suspek sa pagnanakaw sa isang pampublikong eskuwelahan sa bayan ng Gen. Mariano Alvarez (GMA), Cavite noong Martes ng madaling araw. Hawak na ng GMA Municipal Police Station ang suspek na si alyas “Michael” habang pinaghahanap ang kasama nitong si alyas “Rasale”. Ayon sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang pumasok si Michael sa Area J. Elementary School sa Brgy. Lumbreras, GMA, Cavite sa pamamagitan ng pag-akyat sa isang puno habang si Rasale ang nagsilbing look-out. Nang nakapasok sa…

Read More

MAHIGIT P16.7-M COCAINE NADISKUBRE SA BAYBAYIN NG PATNANUNGAN, QUEZON

NADISKUBRE ang mahigit P16.7 milyong halaga ng cocaine sa baybayin ng Patnanungan, Quezon, dahilan para magsagawa ng malawakang imbestigasyon ang Quezon Provincial Police Office (QPPO). Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-6 ng gabi nang makita ng isang concerned citizen ang tatlong plastic bag na may lamang puting crystalline substance sa Sitio Katakian Munti, Brgy. Busdak. Agad itong ini-report sa mga awtoridad at sa isinagawang pagsusuri ng forensic unit, nakumpirma na ang laman ng mga pakete ay cocaine hydrochloride na isang high-value illegal drug. Tumitimbang ang nakuhang ilegal na droga…

Read More

HINDI ITO BIRO: PANANAGUTAN SA LIKOD NG KALUPITAN SA HAYOP

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAY mga bagay na hindi mo basta maipagkikibit-balikat, kahit ilang beses mo pang subukang i-scroll palayo. Isa na rito ang video na kumalat kamakailan kung saan makikitang inilalagay ng ilang kabataan ang isang pusa sa loob ng sako, iniikot ito, at saka sinisipa. Sinasabing buntis ang pusa. Napansin muna ito ng isang Reddit user bago tuluyang kumalat sa ibang plataporma, at agad itong umani ng galit mula sa mga nakakita. Hindi ko na kailangang tapusin ang video para maintindihan ang nangyayari, dahil sa simula…

Read More

‘WAG PULITIKAHIN ANG SENIOR CITIZENS!

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAKATANGGAP tayo ng reklamo mula sa mga nakatatanda o senior citizens hinggil sa hindi patas na pagtrato sa kanila dahil hindi sila residente ng Quezon City, nang dumayo sila sa ilang shopping mall ng siyudad. Partikular na inirereklamo nila ang ilang shopping mall sa Quezon City na kapag hindi residente ng lungsod ang senior citizen ay hindi pwede sa ‘free parking’ ang kanilang sasakyan. Isang senior citizen ang nagtungo sa Quezon City at dun niya naisipan na bumili ng ilang items sa isang shopping mall,…

Read More

TUMAKAS NA DRUG SUSPECT INATAKE SA PUSO, PATAY

PATAY ang hinihinalang drug suspect matapos atakihin umano sa puso habang tinatakasan ang mga otoridad sa Taguig City. Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Hazel Asilo, nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga pulis nang maaktuhan ang limang indibidwal na umano’y nag-aabutan ng ilegal na droga. Agad na naaresto ang apat na suspek, habang tumakas ang isa patungong M.L. Quezon Street sa Barangay New Lower Bicutan. Nagtago umano ang suspek sa madilim na bahagi ng lugar at kalaunan ay tumalon sa pader upang makaiwas sa mga humahabol na…

Read More

KICKBACK AT PAYOLA SYSTEM SA DOTr, INIIMBESTIGAHAN

UUNGKATIN din ng pamahalaan ang mga katiwalian sa loob ng Department of Transportation (DOTr). Ayon sa ulat, hindi lamang ang flood control scandal sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pinaiimbestigahan ng Palasyo matapos makarating dito ang mga isyu na ibinabato sa DOTr katulad ng kickback at payola system. Pinaiimbestigahan na diumano ang mga opisyal na sangkot sa pangongontrata at paghingi ng kickback para sa mga proyektong dapat ay para sa taumbayan. Sangkot umano rito ang mga opisyal na nagsimula noong nakaraang administrasyon. Bukod sa male-maletang pera na…

Read More