PUNA ni JOEL O. AMONGO SA gitna ng walang tigil na pag-ulan at sunod-sunod na pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa, isang malaking tanong ang patuloy na umiikot sa isipan ng maraming Pilipino: Bakit tila mas naging prayoridad ng Senado ang impeachment laban kay Vice President Inday Sara Duterte kaysa mas malawak na usapin ng umano’y flood control scandal na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit isang trilyong piso? Para sa marami, ang usaping ito ay direktang nakaaapekto sa buhay, kabuhayan, at kaligtasan ng milyun-milyong mamamayan. Habang abala ang mga mambabatas…
Read MoreDay: July 13, 2026
Ebidensya ni Leviste kontra Dayunyor
Siyanong Detektib Ni Lucio S. Papa SA gitna ng pagdinig ng Senate Impeachment Court sa kasong isinampa laban kay Vice President Sara Duterte, muling lumutang ang usap-usapan hinggil sa ebidensyang magdidiin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa malawakang katiwalian sa likod ng flood control scandal. Partikular na tinukoy ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio ang umano’y dokumentong hawak ng isang bagitong kongresista mula sa lalawigan ng Batangas — si Leandro Leviste. Kung tunay na may ebidensya laban kay Marcos, bakit ayaw pang ilabas ni Leviste ang patunay na sabit din…
Read MoreANO NAMAN KAYA IPAGMAMALAKI NI BBM SA JULY 27, 2026 SONA?
At Your Service ni KA FRANCIS SA nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27, 2026, maraming Pilipino ang nagtatanong: Ano na naman kaya ang ipagmamalaki ng Pangulo sa taong ito? Hindi maiiwasang balikan ang kanyang mga naging pahayag sa mga nagdaang SONA dahil dito ibinabatay ng publiko ang paghahambing sa mga naging pangako at sa aktuwal na kalagayan ng bansa. Noong 2024 SONA, ipinagmalaki ng administrasyon ang libu-libong flood control projects na umano’y naipatupad sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.…
Read MorePBBM, PINASINAYAAN ANG BAGONG PORT OPERATIONS BUILDING NG PPA SA CAMIGUIN
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapasinaya ng bagong Port Operations Building (POB) sa Port of Benoni sa Mahinog, Camiguin. Ang makabagong Port Operations Building ay magsisilbing integrated facility na magpapahusay at magbibigay ng mas episyenteng serbisyo sa mga pasahero at iba pang port stakeholders. Inaasahang mapapalakas ng bagong pasilidad ang kapasidad ng pantalan, mapabubuti ang kahusayan sa operasyon at higit na mapagtitibay ang papel ng Port of Benoni bilang mahalagang lagusan ng kalakalan, turismo at transportasyon sa Camiguin. Ininspeksyon din ni Pangulong Marcos ang bagong Port Operations…
Read MoreBANTA NI VP SARA KAY MARCOS, SERYOSO AT TOTOO; MAY PRIMA FACIE EVIDENCE PARA MAKASAMPA NG KASO — NBI
SERYOSO, aktuwal at totoo ang banta sa buhay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Louise Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez mula sa mga binitiwang pahayag ni Vice President Sara Duterte. Ito ang binigyang-diin ni National Bureau of Investigation (NBI) Regional Director Jeremy Lotoc sa kanyang pagtestigo sa harap ng Senate Impeachment Court bilang ikalawang saksi ng House prosecution panel. Ayon kay Lotoc, na siyang namuno sa NBI Cybercrime Division noong 2024 at nangasiwa sa imbestigasyon, sapat ang nakitang prima facie evidence upang sampahan ng mga kasong…
Read MoreKasunod ng nasabat na P3-B sigarilyo BOC, NBI MAS HINIGPITAN KAMPANYA VS SMUGGLING
MAS pinaiigting pa ng Bureau of Customs at National Bureau of Investigation ang kampanya laban sa smuggling matapos makumpiska ang 59 containers ng ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P3 bilyon. Pinangunahan nina NBI Director Melvin Matibag at BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ang inspeksyon sa 25 containers na tinatayang nagkakahalaga ng halos P980 milyon sa Gothong Wharf, Mandaue City. Naharang ang mga kargamento batay na rin sa impormasyong nakalap ng NBI. Nasa kustodiya na rin ng pamahalaan ang iba pang nasabat na containers. Tiniyak nina Matibag at Nepomuceno na…
Read MoreDOJ, BUMUO NG LEGAL UNIT PARA TUMUTOK SA USAPIN NG WEST PHILIPPINE SEA
IBINAHAGI ni Department of Justice (DOJ) Secretary Frederick Vida na bumuo ang kagawaran ng isang legal unit na tututok sa mga usaping may kaugnayan sa West Philippine Sea. Ayon kay Vida, layunin ng binuong grupo na magsilbing source of legal expertise o Maritime Law Center na magiging legal repository ng DOJ para sa mga usaping may kinalaman sa pinag-aagawang teritoryo. Dagdag pa ng kalihim, layunin ng kagawaran na mapangalagaan ang tagumpay ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal ruling noong 2016 na kumilala sa mga karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.…
Read MoreJUVENILE JUSTICE ACT, DAPAT REBISAHIN DAHIL MARAMING BUTAS — SEN. TULFO
DAHIL sa mga ulat ng pagkakasangkot ng mga menor de edad sa mga krimeng karaniwang iniuugnay sa mga nasa hustong gulang, kabilang ang Tacloban high school shooting incident, plano ni Senador Erwin Tulfo na magsagawa ng pulong kasama ang iba’t ibang stakeholders upang repasuhin ang batas na sumasaklaw sa mga batang lumalabag sa batas. Sa isinagawang MACHRA Balitaan forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbor View Restaurant sa Ermita, Maynila, sinabi ni Tulfo na nais niyang talakayin ang posibilidad na papanagutin ang mga menor de edad sa…
Read MorePBBM, WALA PANG NATATANGGAP NA REQUEST PARA MABUKSAN TAX RECORDS NINA VP SARA AT MANS CARPIO — MALACAÑANG
WALA pang natatanggap na anomang kahilingan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para pahintulutan ang pagbubukas ng selyadong “green box” na naglalaman ng tax records ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawa na si Atty. Mans Carpio. Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malacañang nang tanungin kung papayagan ng Pangulo ang naturang kahilingan. “Wala pa pong naibibigay na anumang request o sulat sa Pangulo,” ani Castro. “‘Pag dumating na po ang kanilang paghiling, ito po…
Read More