MAS pinaiigting pa ng Bureau of Customs at National Bureau of Investigation ang kampanya laban sa smuggling matapos makumpiska ang 59 containers ng ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P3 bilyon.
Pinangunahan nina NBI Director Melvin Matibag at BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ang inspeksyon sa 25 containers na tinatayang nagkakahalaga ng halos P980 milyon sa Gothong Wharf, Mandaue City.
Naharang ang mga kargamento batay na rin sa impormasyong nakalap ng NBI. Nasa kustodiya na rin ng pamahalaan ang iba pang nasabat na containers.
Tiniyak nina Matibag at Nepomuceno na mas palalawakin ang palitan ng intelligence, magsasagawa ng joint operations, at magsasampa ng kaso laban sa mga tao at negosyong nasa likod ng ilegal na kalakalan.
(JOCELYN DOMENDEN)
80 