MULA AYUNGIN HANGGANG BLACK SEA: PINOY SA GITNA NG MGA HIGANTE

CLICKBAIT ni JO BARLIZO LUMAMPAS na sa diplomasya o usaping legal ang nagaganap sa ating mga karagatan ngayon; ito ay isa nang lantarang krisis ng seguridad at buhay. Nitong Lunes, Hulyo 20, 2026, nasaksihan ng bansa ang magkahiwalay ngunit parehong nakahihindik na trahedya. Habang pinagpapalo ng baton ng China Coast Guard (CCG) ang ulo ng ating sundalo sa West Philippine Sea, dalawang Pilipinong seafarers naman ang nasawi sa malubhang drone strike sa Black Sea. Hatid nito ay dalawang mensahe: ang Pilipino ay sugatan sa sarili nitong bakuran, at pain naman…

Read More

PANGAKONG NAPAKO!

PUNA ni JOEL O. AMONGO PINANGAKUAN tayo ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na magkakaroon ng mga warrant of arrest pagsapit ng Disyembre 2025. Sinabihan silang may mga mambabatas na magpapasko sa kulungan. Lumipas ang Pasko. Lumampas ang lahat ng itinakdang deadline. Nganga pa rin si Juan Dela Cruz. Ang nakapagtataka, ipinakita ng Office of the Ombudsman kung gaano ito kabilis kumilos sa kaso nina Senador Rodante Marcoleta at Senador Jinggoy Estrada—dalawang senador na hayagang iniuugnay sa political bloc nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangalawang Pangulong Sara Duterte. Napakabilis…

Read More

Ang Premyo at ang Presyo ng Impluwensiya

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN SA social media, madalas hindi sapat ang magandang balita. Kailangan mas malaki, mas mamahalin, at mas nakagugulat. Kaya hindi na ako nagtaka nang mag-viral ang post ni Ivana Alawi matapos niyang bumili ng 100 piraso ng iPhone 17 na nagkakahalaga ng mahigit P4.28 milyon. Sino nga ba naman ang hindi mapahihinto sa pag-scroll kapag ganoon kalaki ang ipinamimigay? Sa unang tingin, wala namang masama. Isang sikat na artista at content creator ang mamimigay ng mamahaling cellphone. Maraming natuwa. Marami ring umasa na baka isa…

Read More

200 PDLs SA NBP INILIPAT SA ZAMBOANGA PRISON

BILANG bahagi ng patuloy na reporma ng Department of Justice (DOJ) sa correctional system, matagumpay na inilipat ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 200 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City patungo sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., umabot na sa 16,530 PDLs ang nailipat sa iba’t ibang Operating Prison and Penal Farms mula nang maupo siya sa puwesto noong 2022. Sinabi ni Catapang, layunin ng programa na mabawasan…

Read More

Babuyan Island, Cagayan posibleng debris drop zone FISHERS, SEAFARERS BINALAAN SA ROCKET LAUNCH NG CHINA

PINANGANGAMBAHAN ng mga awtoridad ang muling pagbagsak sa karagatang sakop ng Pilipinas ng rocket debris mula sa pinakawalang rocket ng China. Bunsod nito, muling naglabas ng abiso ang Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa isasagawang pagpapalipad ng China ng Yinli-1 (Y4) rocket. Ayon sa babala ng PCG, posibleng gawin ang rocket launch mula alas-10:46 ng umaga hanggang alas-11:21 ng umaga nitong Miyerkoles, Hulyo 22. Ayon sa Coast Guard District North Eastern Luzon, ang nasabing rocket ay nakatakdang paliparin mula sa East China Sea Launch Area sa Shanghai. Nabatid na ang…

Read More

MAS MAHIGPIT NA PASSENGER VERIFICATION SA MOTORCYCLE TAXI, ISINUSULONG NI REP. GUTIERREZ

NANAWAGAN si 1-Rider Party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez na ipatupad ang mandatory at mas mahigpit na passenger verification measures sa mga motorcycle taxi service upang maprotektahan ang mga rider laban sa mga kriminal. Ayon kay Gutierrez, dapat isama sa mga hakbang ang ID verification, facial recognition at mas mahigpit na booking safeguards upang maiwasan ang mga insidenteng katulad ng pagpatay kina rider Ren Ren De Laviga at Move It rider Fabio Norberte Jr. Si De Laviga ay binaril umano ng kanyang pasahero habang bumiyahe mula Maynila patungong Carmona, Cavite, habang…

Read More

₱234.3-MILYONG SMUGGLED CIGARETTES, NASABAT NG PHILIPPINE NAVY

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Navy–Naval Forces Western Mindanao ang tinatayang ₱234.3 milyong halaga ng hinihinalang smuggled tobacco products sa karagatan malapit sa Lutangan Island, bayan ng Olutanga, Zamboanga Sibugay. Ayon sa ulat ng Philippine Navy, nakumpiska ang 1,436 master cases at 55 reams ng mga dayuhang brand ng sigarilyo na New Berlin at Bosque, gayundin ang motorboat na umano’y ginamit sa pagpupuslit ng kontrabando. Agad na isinailalim sa kustodiya ng Bureau of Customs–Port of Zamboanga ang mga nakumpiskang smuggled cigarettes para sa kaukulang legal na proseso. Ayon kay…

Read More

HOUSE PROSECUTION PANEL, TINAPOS NA PAGHAHAIN NG EBIDENSIYA SA THREAT CHARGE LABAN KAY VP SARA

PORMAL nang tinapos ng House Prosecution Panel ang paghahain ng ebidensiya para sa impeachment article kaugnay ng grave threat laban kay Vice President Sara Duterte. Sa ikasiyam na araw ng impeachment trial, ipinagpatuloy ang cross-examination kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag bago ipinaalam ni Lead Prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro na hindi na kailangan ng prosekusyon ang re-direct examination. Si Matibag ang ikatlo at huling testigo ng prosekusyon para sa unang impeachment article na nag-ugat sa pahayag ni Vice President Duterte noong Nobyembre…

Read More

BARANGAY 743, NAGLUNSAD NG COOKING CONTEST BILANG BAHAGI NG NUTRITION MONTH

MAGLULUNSAD ang Barangay 743, Zone 80, District V, Lungsod ng Maynila ng cooking contest bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 upang hikayatin ang mga residente na maghanda ng masustansya at abot-kayang pagkain gamit ang mga lokal na sangkap. Pangungunahan ang programa ni Barangay Chairman Felimon “Tuts” G. Tutica Jr. kasama ang mga opisyal ng barangay. Gaganapin ang patimpalak sa Hulyo 25 sa Barangay Hall sa Smith Street, Malate, Manila, sa ilalim ng temang “Gulay sa Barangay, Masustansyang Tunay.” Bukas ang kompetisyon sa mga residenteng 18 taong gulang pataas,…

Read More