PPP KINONDENA PANGHA-HARASS SA MGA PHOTOJOURNALIST

KINONDENA ng Press Photographers of the Philippines (PPP) ang umano’y pangha-harass ng ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa beteranong photojournalists na sina Bullit Marquez at Rene Dilan habang kino-cover ang isang kilos-protesta laban sa ASEAN sa Pasay City.

Sa inilabas na pahayag nitong Miyerkoles, nanawagan ang PPP ng agarang, patas at transparent na imbestigasyon sa insidente.

Ayon sa samahan, ang pangyayari ay paglabag sa kalayaan sa pamamahayag at sa karapatang pangkonstitusyon ng mga mamamahayag na mangalap at mag-ulat ng balita.

(EDD CASTRO)

62

Related posts

Leave a Comment