BILANG bahagi ng patuloy na reporma ng Department of Justice (DOJ) sa correctional system, matagumpay na inilipat ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 200 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City patungo sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., umabot na sa 16,530 PDLs ang nailipat sa iba’t ibang Operating Prison and Penal Farms mula nang maupo siya sa puwesto noong 2022.
Sinabi ni Catapang, layunin ng programa na mabawasan ang pagsisikip sa NBP, mapabuti ang kalagayan ng mga bilanggo, mapalawak ang kanilang pagkakataon sa rehabilitasyon, at ihanda ang pasilidad para sa planong pagsasara nito sa hinaharap.
Samantala, sinabi ni NBP Chief Superintendent Gary A. Garcia, 1,909 PDLs na ang naililipat sa target na 7,000 ngayong taon.
Aniya, patuloy ang koordinasyon ng BuCor sa iba pang ahensya at mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos at ligtas na implementasyon ng programa.
(JULIET PACOT)
74 