CLICKBAIT ni JO BARLIZO KUNG may isang bagay na hindi nauubusan sa pulitika sa Pilipinas, iyon ay ang kakapalan ng mukha at mga nakatatawang plot twist. Imagine, nasa gitna ka na ng impeachment trial, pero ang pangunahing alalahanin mo tila hindi ang iyong legal strategy, kundi kung sino ang magbabayad ng buffet. Nang pumutok ang balitang humihiling ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo (OVP) na sagutin ng Senado ang catering service, pagkain, at inumin ng buong defense team, support staff, at mga testigo—marami ang napakamot ng ulo. Si House Senior Deputy…
Read MoreDay: July 27, 2026
ISKO PINURI NG KONSEHO SA GLOBAL HONOR NG MAYNILA
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA panahon na madalas nating marinig ang balita tungkol sa trapiko, baha, krimen, at iba pang suliranin ng mga lungsod, nakapagbibigay ng pag-asa ang mga pagkakataong kinikilala ang isang lokal na pamahalaan dahil sa mahusay nitong pamamahala at paggamit ng makabagong teknolohiya. Kaya naman hindi kataka-taka na nagkaisa ang Ika-13 Konseho ng Lungsod ng Maynila sa pagpasa ng isang resolusyon na nagbibigay-pugay kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos tanghaling recipient ng 2026 Esri Special Achievement in GIS (SAG) Award ang Lungsod ng Maynila.…
Read MoreVP SARA AT DATING SEN. MANNY PACQUIAO, HATAW SA SURVEY
TARGET ni KA REX CAYANONG MULING naging usap-usapan ang inilabas na pinakahuling Pulse Asia preference survey para sa nalalapit na halalan. Ipinakita ng resulta na nananatiling mahalaga sa mga Pilipino ang pagpili ng mga lider na may malawak na karanasan at napatunayang serbisyo. Sa senatorial preference survey, kabilang sa mga nangungunang pangalan si dating Senador Manny Pacquiao, patunay na nananatili ang tiwala ng publiko sa kanya. Hindi kataka-taka ang patuloy na suporta kay Pacquiao dahil bukod sa pagiging pambansang kampeon sa boksing, nagsilbi rin siyang senador na nagsulong ng iba’t…
Read More17th MULTILATERAL MARITIME COOPERATIVE ACTIVITY ISINAGAWA NG AFP, US, JAPAN SA WEST PH SEA
MATAGUMPAY na natapos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kasama ang United States Pacific Command (USPACOM) at Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF), ang 17th Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) na isinagawa sa West Philippine Sea mula Hulyo 21 hanggang 25. Lumahok ang Pilipinas sa maritime exercise gamit ang BRP Antonio Luna (FFG-15), Philippine Navy AW109 helicopter, Philippine Air Force FA-50 fighter aircraft, TC-90, A-29B Super Tucano, C-208B aircraft, at Sokol Search and Rescue helicopter. Nagdeploy din ang Philippine Coast Guard ng BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) at BRP Malabrigo (MRRV-4002).…
Read More3 INIWANG PATAY NG BAGYONG KIYAPO
TULUYAN nang lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon “Noul” (dating Bagyong Kiyapo), ngunit tatlo katao ang iniulat na nasawi dahil sa mga pag-ulan na dulot nito sa Mindanao, ayon sa Office of Civil Defense (OCD). Ayon kay OCD Deputy Spokesperson Diego Agustin Mariano, kasalukuyan pang bina-validate ng ahensya ang ulat na isa ang namatay sa Davao at dalawa sa Sarangani. May isa ring iniulat na nawawala. Nasa 59,987 pamilya o katumbas ng 285,172 katao ang naapektuhan ng southwest monsoon o habagat na pinalakas ng Tropical Storm Kiyapo.…
Read MoreMT. MACULOT SA BATANGAS BAWAL PA RING AKYATIN
NANANATILING mahigpit na ipinagbabawal ng Pamahalaang Lokal ng Cuenca, Batangas ang lahat ng uri ng pag-akyat sa Bundok Maculot. Saklaw ng pagbabawal ang buong kabundukan, kabilang ang lahat ng ruta, bahagi ng bundok, at anomang layunin ng pag-akyat. Nilinaw ng Tourism Office ng Cuenca na walang katotohanan ang mga kumakalat na pahayag na maaari nang umakyat sa ilang bahagi ng bundok gaya ng Rockies, o na tanging summit lamang ang sarado. Ayon sa tanggapan, ang naturang mga impormasyon ay hindi dumaan sa barangay, sa lokal na pamahalaan, o sa kanilang…
Read MorePAGKANSELA SA 247-MW WIND POWER PROJECT SA BANAHAW KINUMPIRMA
KINUMPIRMA ng Department of Energy (DOE) ang kanselasyon ng Wind Energy Service Contract (WESC) para sa planong 247-megawatt Banahaw Wind Power Project sa Quezon, kasunod ng boluntaryong pag-atras ng kontrata ng project developer. Batay sa liham na may petsang Hulyo 20, 2026 na nilagdaan ni Renewable Energy Management Bureau Director Atty. Marissa P. Cerezo, tinanggap ng DOE ang pagbawi ng kontrata noong Enero 26, 2026. Inilabas ang kumpirmasyon bilang tugon sa inquiry ng environmental group na Tanggol Kalikasan Inc. na isinumite noong Abril. Sakop sana ng proyekto ang mga bahagi…
Read MoreTATLONG CONTAINER NG UMANO’Y HAZARDOUS E-WASTE MULA US NAHARANG
HINARANG ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Subic ang isang barkong may kargang tatlong container na naglalaman umano ng imported hazardous electronic waste o e-waste mula sa Estados Unidos. Hindi pinayagang maibaba ang shipment sa Subic Bay Freeport matapos ipag-utos ni Port of Subic District Collector Geniefelle Lagmay na ibalik ito sa pinanggalingan o manatiling sakay ng barko dahil sa taglay nitong toxic o hazardous materials. Ayon kay Port of Subic Deputy Collector for Operations Atty. Bong Arollado, labag sa Basel Convention at sa mga umiiral na batas ng Pilipinas…
Read MorePNP HANDA NA SA SEGURIDAD SA SONA
TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na kumpleto na ang lahat ng security preparations para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes sa Batasang Pambansa sa Quezon City. Ayon sa PNP, wala silang namo-monitor na validated threat kaugnay ng SONA, ngunit mananatiling nakaalerto ang kapulisan at iba pang law enforcement agencies laban sa anumang posibleng banta sa seguridad. Nagdeploy ang PNP ng mahigit 20,000 pulis upang magbigay ng seguridad sa mga pangunahing lugar habang isinasagawa ang SONA at hanggang sa ligtas na…
Read More