NAGTALA ng positibong ratings si Pres. Bongbong Marcos Jr., mga opisyal ng Gabinete at pinuno ng mga ahensya ng pamahalaan, habang kapwa umangat ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa “Boses ng Bayan” survey ng RPMD Foundation Inc. (RPMD).
Isinagawa nang independiyente at walang komisyon mula Hulyo 12 hanggang 19, 2026, nakakuha si Pangulong Marcos ng 55.1% Index of Governance (IOG), mula sa 54.5% trust at 55.8% job performance. Umabot sa +25.2 puntos ang kanyang net trust rating at +27.7 puntos ang net performance rating.
Kumpara noong Mayo 2026, umangat nang 2.3 puntos ang IOG ni PBBM, 2.4 puntos ang trust at 2.3 puntos ang performance, na iniuugnay sa paghanga ng maraming Pilipino sa kanyang anti-corruption exposés. Ayon kay Dr. Paul Martinez, RPMD global affairs at political analyst, ipinakikita nito ang lumalakas na suporta, ngunit mananatiling nakasalalay ang tiwala ng publiko sa konkretong pagbuti ng presyo ng pagkain, trabaho, serbisyo, imprastraktura, peace and order at halaga ng pamumuhay.
Sa Gabinete, nanguna si DSWD Sec. Rex Gatchalian sa 88.2%, kasunod sina DepEd Sec. Sonny Angara sa 86.9%, DILG Sec. Jonvic Remulla sa 86.6%, DOJ Sec. Fredderick Vida sa 85.7%, DND Sec. Gibo Teodoro sa 85.2% at DPWH Sec. Vince Dizon sa 84.9%.
Sa key agency heads, nanguna si Ombudsman Boying Remulla sa 90.3%, kasunod sina NBI Director Melvin Matibag sa 88.5%, TESDA Director General Kiko Benitez sa 87.6%, Customs Comm. Ariel Nepomuceno sa 86.8% at AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. sa 86.6%.
Nagtala si Speaker Faustino “Bojie” Dy III ng 59.9% IOG, habang umabot sa 63.8% ang House. Si Senate President Win Gatchalian ay nakakuha ng 47.1%, habang 41.6% ang Senate.
Sina House Majority Leader Sandro Marcos, na may 89.3%, at Senate Majority Leader Migz Zubiri, na may 87.3%, ang top-performing at most trusted congressional leaders, na tumulong magtulak sa kani-kanilang kapulungan tungo sa mas matatag na legislative performance.
Saklaw ng survey ang 10,000 respondents mula sa iba’t ibang socioeconomic classes, na may ±1 percentage point margin of error sa 95% confidence level.
106 