PNP HANDA NA SA SEGURIDAD SA SONA

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na kumpleto na ang lahat ng security preparations para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Ayon sa PNP, wala silang namo-monitor na validated threat kaugnay ng SONA, ngunit mananatiling nakaalerto ang kapulisan at iba pang law enforcement agencies laban sa anumang posibleng banta sa seguridad.

Nagdeploy ang PNP ng mahigit 20,000 pulis upang magbigay ng seguridad sa mga pangunahing lugar habang isinasagawa ang SONA at hanggang sa ligtas na makauwi ang mga dadalo sa pagbubukas ng Kongreso.

“All security protocols have been completed and we are already in the process of phased deployment in areas that require police presence,” ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

“We’ve done this before. We prepared for this important event—and we are ready,” dagdag pa niya.

Kasama rin sa pinaghandaan ng PNP ang mga inaasahang kilos-protesta ng iba’t ibang militanteng grupo kasabay ng SONA.

Inatasan ni Nartatez ang lahat ng pulis na pairalin ang maximum tolerance sa mga raliyista.

“Our personnel are also ready to secure protest actions across the country. We likewise ask for the cooperation of everyone who will participate in the rallies.”

“Let us respect one another’s rights and maintain peace and order on this day,” aniya.

Nauna nang nagsagawa ng inspeksyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga itinuturing na critical areas sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, kabilang ang St. Peter Parish Church, Sandiganbayan, IBP Road, House of Representatives, at Batasan Police Station.

Ayon naman kay PNP Public Information Office Chief Col. Allen Rae Co, wala pang anunsiyo ang Iglesia ni Cristo (INC) kung saan o paano nito isasagawa ang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng organisasyon na kasabay ng SONA.

(JESSE RUIZ)

72

Related posts

Leave a Comment