22.9M PINOY LANG MAY AYUDA

AABOT lamang sa 22.9 million beneficiaries ang mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan sa ilalim ng expanded Social Amelioration Program (SAP).

Ang mga benepisyaryong ito ay nasa lugar na nasa ng ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng isang linggo.

Sinabi ni DBM Sec. Wendel Avisado na base ito sa population statistics mula sa DSWD at NEDA.

“Bale po sa puntong iyan. we are guided by data given to us both by DSWD and NEDA. And based on the latest population statistics from NEDA, there are estimated 22.9 million beneficiaries which correspond to the 80% low income population in NCR, Bulacan, Rizal, Cavite and Laguna,” ayon kay Avisado.

Nauna rito, tiniyak ng kalihim na may inilaan na silang pondo para sa SAP sa mga lugar na apektado ng ECQ.

Kasama rito kung sino-sino ang kwalipikadong benepisyaryo, magkano ang ibibigay at kung kada pamilya ba ito o indibidwal.

Una rito ay inanunsyo ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa Laging Handa public briefing na nasa 23 bilyong piso ang available na pondo para sa expanded SAP ng pamahalaan.

May nauna na ring pahayag si DILG Usec. Jonathan Malaya na pinag-aaralan sa ngayon kung ang pondong ito na galing sa national government ay pwedeng direkta nang ibigay o ibaba sa mga LGU at hindi na idaan pa sa DSWD.

Ito aniya ay para sa layuning mas mabilis na maibigay sa mga kwalipikadong benepisyaryo ang pondo. (CHRISTIAN DALE)

157

Related posts

Leave a Comment