(NI BETH JULIAN)
IPINAGMALAKI ng Malacanang na naging matagumpay ang four-day visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan dahil sa nakamit na pangakong magbibigay ng 25 billion yen ang Japan government.
Matatandaang nangako ang Japan na magbibigay ng 25 billion yen para sa development ng Mindanao habang $5 billion halaga ng investment naman ang nakuha ng Pangulo sa Japan na magbibigay ng mahigit 80,000 trabaho para sa mga Pilipino.
Sa four-day visit ng Pangulo, mas lumakas pa ang bilateral relations ng Pilipinas at Japan matapos magkasundo ang dalawang bansa na palakasin pa ang kooperasyon sa infrastructure, trade and investment, agriculture, labor, defense, maritime security at maritime domain awareness, people to people exchanges at ang pagkakaroon ng tunay at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Galak namang ibinalita ni Duterte ang pagbibigay ng Japan ng buong suporta sa Build, Build, Build Program ng pamahalaan at ang mainit na pagtanggap ng Japan sa kanya at sa kanyang delegasyon.
Ala-1:00 ng hatinggabi nang makabalik na ng bansa ang Pangulo kasama ang ilan nitong Gabinete.
510