NASABAT ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA sa DHL warehouse ang ipinupuslit na dalawang makamandag na spitting cobra, 8 pit vipers at 15 sailfin lizards na itinago sa bamboo chimes at parol na ilalabas ng bansa patungo ng Taiwan noong Huwebes, Pebrero 18.
Ang mga kontrabando ay idineklarang “souvenir items” ng isang “Adriann Lim” mula sa Pasig City, at naka-consign sa isang umano’y “Ryan Su” na taga-Taiwan.
Magugunitang pinuri ng Traffic Asia ang BOC Port of NAIA, noong Marso 2019 at Setyembre 2020 dahil sa pagkakakumpiska sa 1,529 freshwater turtle at tortoises na nakatago sa suitcases.
Ang nasamsam na mga cobra, pit viper at sailfin lizard ay agad dinala sa DENR para sa proper handling and disposition, kasabay ng pagsasagawa ng profiling at case build-up laban sa shipper at mga kasabwat sa illegal wildlife trade, na malinaw na paglabag sa RA 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act). (DAVE MEDINA)
